^

PSN Showbiz

Mga anak ang nagtulak para layasan ang aktor: Sunshine umaming mas maligaya nang hiwalayan si Cesar

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay nagkahiwalay ang mag-asawang sina Cesar Montano at Sunshine Cruz. Aminado naman si Sunshine na hindi raw natigil ang pagkahilig ng aktor sa babae kahit kasal na sila.

“Guwapo kasi ‘yung asawa ko. So, marami talaga na kahit na alam na may asawa,” bungad ni Sunshine.

May mga pagkakataon noon na sinusugod ng aktres si Cesar sa set ng shooting at pinakikialaman din ni Sunshine ang cell phone ng aktor.

“Hindi mo mapigilan ang sarili mo na ‘Sino si ganito. Sino na naman ’yan?’ Iyak ka na naman, aamuin ka na naman then after a few weeks or months meron na namang iba. So, hanggang sa dumating ’yung 13 years nga na I got tired and I thought I wouldn’t give up kasi I really wanted to grow old with him,” kuwento ni Sunshine.

Ang mga anak nila ang nagtulak para tuluyan nang hiwalayan ng aktres si Cesar.

“Noong kids ko na ang nagsabi sa akin that something weird is happening. May nakita silang text message from a girl and they told me that I should talk to my husband kasi parang merong hindi tama,” pagdedetalye ng aktres.

Sa ngayon ay mag-asawa pa rin daw sina Cesar at Sunshine kahit magkahiwalay na sila ng tirahan dahil wala pa ring annulment sa bansa.

“Everybody knows that wala pang annulment. Hiwalay lang kami ng bahay pero sa papel kami pa rin. But yeah, I am thinking about it and I am praying for it. I cannot say kung magkakaroon ng reconciliation or hindi magkakaroon pero I can honestly say right now that I am very, very happy,” giit pa ng aktres.

Marjorie ayaw magmalinis kaya inamin ang malaswang photo

Matapang na hinarap ni Marjorie Barretto noong Linggo sa The Buzz ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya. Isa na rito ang photo scandal na kumalat sa Internet kamakailan.

“To be honest I had my moments talaga na ayaw ko na lumabas ng bahay. Nagkakaroon rin ako ng anxiety attacks especially in crowds. I really cry out to God. I really, really literally cry out to God,” bungad ni Marjorie.

Hindi na nagbigay ng detalye ang aktres tungkol sa nasabing malisyosong larawan. Noong una ay itinanggi ni Marjorie na siya ang nasa larawan dahil itinawag lamang sa kanya ang tungkol doon.

“Nagtataka rin sila. ’Di ko alam na lalabas din kasi ’yun eh. Ginamit lang ’yung mukha ko, parang gano’n. Somebody made fun of me that’s how I understood Joanne Maglipon. But when I realized that I was in the photo, I admitted din naman,” kuwento ni Marjorie.

“I don’t purposely not tell the truth dahil gusto kong magmalinis. Or gusto ko palabasin sa tao na napakabuti kong tao, na wala akong bahid ng kasalanan. Hindi ko nilalabas ang totoo para makaprotekta ako ng feelings ng mga tao, bilang respeto sa mga nananahimik. Pero parang ’di na-appreciate ’yun. Parang it was used against me.”

Napaiyak at nagalit si Marjorie nang makita ang kontrobersiyal na larawan. Naunawaan daw ng kanyang mga anak ang pangyayari. “Naapek­tuhan sila sandali. Umiyak sila, lahat sila. After that they’ve moved on. Actually, sila nagsabi sa akin na let’s move on. Siguro I’m blessed with very mature children and I am really amazed. I’m happy­ na they respect na tao lang ako, May mga kahinaan. Importante siguro pakita ko rin sa kanila na gumagawa ako ng pagkakamali pero kaila­ngang makabangon ako agad. Siguro ’yun na lang ang mai-impart kong lesson sa kanila,” paliwanag ni Marjorie.

Nakiusap din ang aktres sa publiko na intindihin din ang kalagayan ng kanyang mga anak.

“Gusto kong umapela sa tao, to be a little bit more, mas maging mabait. Masyado na tayong naging judgmental. ’Di na naging bukas ang ating pag-iisip but I would like my children to be spared,” giit ni Marjorie.

Ngayon ay naging mas matatag at matapang ang aktres dahil sa mga pangyayari. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                                   

AKTRES

CESAR MONTANO

JOANNE MAGLIPON

MARJORIE

MARJORIE BARRETTO

NOONG

SIGURO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with