Kahit noong araw ng kasal nag- away din Aiai idedemanda si Jed, pambubugbog matagal nang tinitiis!
PIK: Sumakabilang buhay na ang prima contravida na si Bella Flores kahapon ng madaling araw sa Quezon City General Hospital (QCGH).
Matagal ding nakaratay ang beteranang aktres sa ospital at inilabas na ito ng San Juan General Hospital dati.
Nagreklamo raw ito sa kanyang anak na nahirapan siyang huminga kaya isinugod ito sa QCGH at doon na siya nalagutan ng hininga.
Nakaburol ang mga labi ng magaling na aktres sa Loyola Funeral Chapel sa Commonwealth, Quezon City.
PAK: Feel na feel ng Starstruck avenger na si Princess Snell nang nakausap ito ng Startalk ang tungkol sa isyu nila ni Vin Diesel.
Sabi ni Princess, hindi raw niya type si Vin kaya walang namagitan sa kanila. “Naka-date†lang daw niya ito nung nagkaroon ng party pagkatapos ng premiere night ng Fast & Furious 6 pero hanggang tsikahan lang sila.
Nangako raw sa kanya si Vin na babalik siya ng bansa para gumawa ng pelikula.
Ewan ko lang kung aaminin ng Hollywood star ito dahil itinanggi naman niya ang kuwentong naka-date niya noon ang dating Viva Hotbabe na si Andrea del Rosario.
BOOM: Nagsalita na si AiAi delas Alas sa The Buzz kahapon at inilahad nito lahat ang dahilan nang hiwalayan nila ni Jed Salang.
Isa na rito ang pambubugbog diumano sa kanya ni Jed. At baka umabot na nga ito sa demandahan dahil sa napuno na rin ang Comedy Box-office Queen.
Marami pala ang nakasaksi sa pananakit sa kanya ni Jed kaya kahit nung nagpakasal sa Las Vegas, Nevada ay hinuhulaan na raw sila ng mga taong malapit sa kanila na hindi rin magtatagal ang kanilang relasyon.
May nagkuwento ring kahit nung araw ng kasal nila sa Las Vegas ay nag-aaway pa raw ang dalawa.
Hindi pa natin narinig ang bersiyon ni Jed kaya abangan na lang natin kung magsasalita siya para ipagtanggol ang sarili.
- Latest