^

PSN Showbiz

Jed sinasaktan ang sarili ’pag hindi nasusunod ang gusto Bugbog-sarado matapos ibigay ang luho Aiai matindi ang nararanasang trauma at depression

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Shocking ang naging kapalaran ni AiAi delas Alas sa napangasawang si Jed Salang. Sa ngalan ng pagmamahal na sa pag-aakalang nahanap na niya ’yun sa basketbolistang malayo ang agwat sa edad niya, ginawa niya ang lahat pero bugbog pala ang inabot niya — physically and mentally. Kahapon ay nagpa-interview siya kay Tito Boy Abunda sa The Buzz at ikinumpisal na niya ang mga nangyari.

Nag-umpisa ang kuwento niya kay Tito Boy kahapon nang ayain siya nitong mag-celebrate ng kanilang monthsary.

“Eh ayoko nang mag-casino siya kasi hindi naman healthy para sa kanya and hindi rin maganda para sa akin na nakikita ako sa casino,” simula ni AiAi.

 â€œSo, sinabi ko sa kanya, do’n na lang kami sa bahay. Or any hotel, ’wag lang do’n kasi may casino do’n. Pero nagalit siya as in napunta na naman kami sa physical fight.”

Pero mas matindi ang rebelasyon ni AiAi tungkol sa pananakit sa kanya ng basketbolista.

 â€œHinahagis ako sa kama, ganun. Sampalan, bunuan. Eh nung araw na ’yun, nung time na hinila niya ako sa sahig at kinaladkad, doon ko na-realize na hindi ko na ’to kaya kasi parang feeling ko, kabibigay ko pa lang ng dream niya eh. This is not about material, pero para sa akin, binigay ko sa ’yo ’yung makakapagpaligaya sa ’yo. Binigyan ko siya ng kotse.

“Eh nung araw na ’yun, kinaladkad mo ako sa sahig. Parang pakiramdam ko, ano pa ba ang magagawa mo sa akin habang ako, lahat naibigay ko na sa ’yo? Lahat ng pagmamahal, lahat ng ka-spoiled-an, lahat ng gusto mo,” kuwento niya kay Tito Boy sa The Buzz.

At ang nakaka-praning na kuwento ng magaling ng box-office queen ay ang mga sandaling sinasaktan pala ni Jed ang sarili ’pag hindi nito nasusunod ang gusto na nagdulot sa kanya ng matinding trauma.

Pero may nag-warning na pala sa kanyang kaibigan na nagsabing plano ni Jed na kuwartahan lang siya.

 â€œMay isa akong friend dati, mga three or four months pa lang kami. Siguro naawa siya (friend) sa akin or nakonsensiya. Sinabi na niya sa akin na may balak si Jed na lokohin ako and later on, ’pag nagawa na niya ’yun, mayroon siyang kakasamahing iba,” paglalahad ni AiAi.

Pero hindi siya naniwala sa sinabi ng kaibigan sa takot madiskubre ang katotohanan. Inisip niya raw na palampasin at hoping siya na hindi’ yun totoo.

 â€œAkala ko kasi siya ’yung ibinigay sa akin. Hindi ba Ama, alam mo naman na dream ko na magkaroon ng asawa? Akala ko, siya ’yun. Siyempre, tao lang naman ako na nagkakamali. Hindi ko naman alam na magiging ganun ang buhay ko,” kuwento niya habang umiiyak na alam mo ang sakit na nararamdaman.

Umabot pa sila sa psycho-therapist para isalba sana ang pagsasama. Pero walang nangyari.

Sinabi ng kanyang doctor na meron siyang trauma at depression sa nangyari.

Aminado naman siya dahil kahit ring lang ng te­lepono, nanginginig na siya.

Nang tanungin niya kung mahal pa niya ito: “Oo Ama, mahal ko pa siya pero from May 2, sa lahat ng nalaman ko, napalitan ’yung pakiramdam ko ng galit at pagtataka kung bakit nakayanan niyang gawin sa akin ’yun.”

Naramdaman ba niyang minahal siya ni Jed?

“Sa lahat ng nalaman ko tingin ko hindi! Kahit kailan, hindi!”

Sa ngayon ay hindi na nagsasama sina AiAi at Jed at ipinauubaya na raw niya sa kanyang lawyer ang legalities pagdating sa pagpa-file ng divorce.

Bago ang pag-iyak ni AiAi sa The Buzz kahapon ay nakakatawa pa siya sa Pilipinas Got Talent kung saan isa siya sa mga hurado.

44 Kalokalikes level up na sa patalbugan

Umabot pala sa 44 na Kalokalikes ng mga sikat na local at international star ang maghaharap at mag­papasiklaban sa kabaliwan, dating, at hitsura sa pinaka-bonggang pagtatagpo na Kalokalike Level Up ng It’s Showtime simula ngayong Lunes (Mayo 20).

In fairness, marami sa kanila ang papasang double sa kanilang ka-lookalike. ’Yung nanggagaya kay Angelica Panganiban, mas payat sa aktres pero kamukha niya.

Maging ’yung kina Coco Martin at Rep. Manny Pacquiao ay pasok sa banga as in puwedeng mapagkamalang sila.

Gaganapin ang pasabog na pinamagatang Kalokalike Level Up na siyang magsisilbing semi-finals round na gaganapin sa loob ng dalawang linggo mula Mayo 20 hanggang 31.

Ang magwawagi naman sa bawat araw ang siyang papasok sa grand finals na gaganapin sa Hunyo 1.

Magsisilbi namang hurado ang mga bigatin at batikang hurado na isa-isang kikilatisin ang 44 Kalokalikes kung saan isa lamang ang tatanghaling Ultimate Kalokalike na magwawagi ng P300,000. Makakatanggap naman ang first runner-up ng P200,000 at ang second runner-up ng P100,000.

In fairness sa kanila, pinag-usapan ang Kalokalike segment mula nang ilunsad ito noong Enero dahil sa ilan sa mga nakakalokang contestant nito gaya nina Coco, Kim Chiu, Joey de Leon, at Daniel Padilla. Simula noo’y naging lagi na itong trending at pinagkakaguluhan sa social networking sites na Twitter at Facebook.

Isa lamang ang Kalokalike Level Up sa mga inihahandang pakulo ng It’s Showtime, na pina­ngungunahan ng hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric “Eruption” Tai.

KALOKALIKE LEVEL UP

KALOKALIKES

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

TITO BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with