^

PSN Showbiz

Patrick at Jennylyn wala nang pakialaman

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Mukhang hindi na naman nagkikita eye to eye sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. May kinalaman kaya ito sa pagkakaroon ng bagong anak ng aktor sa bago niyang nobya? O baka nabawasan na naman ang panahon niya sa anak niya kay Jennylyn?  Huwag naman!

Sa pagdating ng isa pang supling dapat ibayong effort ang gawin ni Patrick para pareho niyang mabigyan ng atensiyon ang dalawa niyang anak. Katungkulan niya ito at hindi siya dapat magpabaya dahil talagang magtatampo, hindi man ang mga anak niya, ay ang mga ina naman nila kapag nagkulang siya sa mga bata.

AiAi kumakalas agad sa pagkakatali

Ano ba naman AiAi delas Alas, kakakasal mo lang pero balitang naghiwalay na kayo ng asawa mo? Totoo ba ito? Ang dali naman!

Pero baka ordinaryong away lang ’yan at bukas balikan na kayo. Sana ganun na lang. Huwag namang major-major away na pag-iisplitan n’yo ng permanente. ’Yan ang mahirap kapag kasal, mahirap na itong mapawalang bisa. Kaya mag-ayos kayo!

Grace pinangungunahan sa gustong gawin

Hindi ako naniniwala na this early ay naiisip na ni Grace Poe-Llamanzares ang presidency. Kayo naman ang hilig-hilig n’yong maglagay ng salita sa kanyang bibig at maging sa kanyang isip. Ang ga­ling-galing n’yo naman hindi pa man siya nakakaupo bilang senador.

Dapat siguro hambalusin kayo! Baka nga dahil sa pagmamadali n’yo, maisip niya agad ito.

ANO

DAPAT

GRACE POE-LLAMANZARES

HUWAG

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KATUNGKULAN

NAMAN

PATRICK GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with