^

PSN Showbiz

Regine ayaw paawat kahit nagpapagaling, bibirit pa rin sa huling palabas ng Party Pilipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumpirmado nang magba-babu sa ere ang Party Pilipinas at itong Linggo ang pinakahuli nilang palabas.

Pinamagatang Party Pilipinas: Take a Bow, magba-bow sa galing ng performers ang buong cast and production pagsapit ng tanghali at ipapakita ang huling pasasalamat sa pagsasaere ng Sunday musical variety show ng GMA 7 sa loob ng ilang taon.

Kahit sinabihang magpahinga ng doktor, hindi paaawat ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na hindi masamahan sa stage ang Queen of Soul, Jaya; King of Soul, Janno Gibbs; at asawa, The Songwriter, Ogie Alcasid.

Maririnig na rin uli ang boses ni Kyla pagkatapos magpahinga dahil nagsilang ng baby boy. May reunion sila ng duo na Shinky, sila ni Rachelle Ann Go. 

Kilig moments naman ang kina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona sa kanilang medley songs galing sa Red Mask short film series.

Ihahabol naman ni Alden Richards ang kanyang first-ever album launch sa Party Pilipinas. Ito ang kauna-unahang pagpaparinig ng aktor sa kanyang debut album.

Magdiriwang si Kris Bernal ng kanyang birthday bago magpaalam ang show at sasamahan siya ng pop sensation na Down to Mars at nina Joyce Ching, Bea Binene, at Barbie Forteza.

Hindi magpapahuli ang golden voices ng La Diva. May hinanda ring original Pinoy music na may acoustic twist ang set nina Ogie Alcasid, Glaiza de Castro, Jolina Magdangal, Solenn Heussaff, Jennylyn Mercado, Jay Perillo, Rita de Guzman, Denise Barbacena, Lirah Bermudez, Lovely Embuscado, at Panky Trinidad.

Non-stop na fun party pa rin ang hatid ng Party Pilipinas hanggang sa hu­ling segundo! Samahan ang buong Kapuso hosts and performers sa kanilang farewell celebration sa Party Pilipinas: Take a Bow sa GMA 7.

Kim at Maja tutuldukan na ang hidwaan!

Matapos ang ilang gabi ng sagutan, sampalan, at kom­prontasyon, muling maghaharap ang Kapamil­ya primetime princesses na sina Kim Chiu at Maja Sal­vador sa family drama series ng ABS-CBN na Ina Kapatid Anak para sa kapatawaran at katahimikan ng mga karakter na minahal ng buong sambayanan na sina Celyn (Kim) at Margaux (Maja). Sa gitna ng iba’t ibang problema na kanilang kinakaharap, ano nga ba ang pangyayaring magbibigay daan para muling magkaayos ang kambal na sina Celyn at Margaux?

Ang pagbabati na nga ba nila ang magpapatahimik sa kanilang magulong pamilya?

Sa panunumbalik ng maganda nilang samahan, paano nga ba haharapin nina Celyn at Margaux ang mga susunod na pagsubok na nangangambang si­rain ang kanilang mga buhay?

Mga madreng nasa dapit-hapon na ng buhay, patuloy sa paglilingkod sa diyos

Marami raw ang tinatawag para maglingkod sa Diyos pero iilan lang ang tumutugon. Ilan sa mga nag­sakripisyo at nag-alay ng kanilang buhay para sa bokasyon ang mga madre. Mula pagpasok sa kum­bento hanggang sa kanilang pagtanda ay inihan­dog nila ang kanilang buhay sa pagseserbisyo sa Panginoon at sa kapwa. 

Ilan sa mga madreng ito sina Sister Josefina at Sister Telesfora na nasa dapit-hapon na ng kanilang buhay, maysakit at nasa kanlungan para sa mga matatanda ngunit patuloy pa ring tinutupad ang ka­nilang sinumpaang tungkulin.

Samahan si Susan Enriquez sa isang dokumen­taryo na magmumulat sa kalagayan at pana­naw ng matatandang madre.

Huwag palalampasin ang Tunay na Buhay nga­yong gabi, Mayo 18, pagkatapos ng Para Sa Iyo Ang Laban Na Ito sa GMA 7.

Santacruzan sa Muntinlupa

Magkakaroon ng Flores de Mayo ang Barangay Sucat at Buli, Muntinlupa City sa darating na Mayo 19, 2013, ganap na alas-4 ng hapon. Ang nasabing event ay inorganisa nina Adring Delos Reyes (Su­cat) at Margie dela Cruz (Buli). Magiging Reyna Emperatriz I si Alaina Jezl Ocampo ng Biluso, Silang Cavite at ang Constantino naman ay si Kobe Gonzales Arevalo na residente ng Don Juan Subd., Sucat Muntinlupa City.

Suportado nina Muntinlupa Mayor Aldrin L. San Pedro; Vice Mayor Temmy A. Simundac; Councilor Dhess G. Arevalo at Councilor Luvi Constantino ang nasabing Flores De Mayo.

‘Juan Dela Cruz’ universe handa na para sa ‘Juan Fun Day’ with fans ngayong Linggo

Handang-handa na ang Juan dela Cruz para sa isang engrandeng bon­ding experience kasama ang kanilang fans sa Juan Fun Day na gaganapin sa Aliw Theater, 1:00 pm, ngayong Linggo (Mayo 19).

Tampok sa grand fans day ang powerhouse cast ng Juan dela Cruz na sina Coco Martin, Erich Gonzales, Arron Villaflor, Shaina Magdayao, Neil Coleta, Albert Martinez, ZsaZsa Padilla, Eddie Garcia, Gina Pareño, Joel Torre, Lotlot de Leon, William Lo­ren­zo, John Medina, Louise Abuel, Precious Lara Quigaman, Tonton Gutierrez, Diana Zubiri, Mar­tin del Rosario, Marlann Floress, MC; ang mga bida ng spin-off series nitong My Little Juan na sina Izzy Canillo at Jaime Fabregas; at ang Concert King na si Martin Nievera.

Naghanda ang buong Juan dela Cruz family ng isang buong araw na punong-puno ng nakaaaliw na activities tulad ng meet & greet with the stars, variety show, fun kiddie games, henna tattoo, photo booth, face painting, at marami pang iba.

Bukod sa surprises ng buong cast, tiyak na la­long mag-eenjoy naman ang little Juans ngayong Linggo dahil maari na silang magkaroon ng Espada ng Katapangan at iba pang official Juan dela Cruz merchandise tulad ng shirts, bags, slippers, toys, at ng  ‘JDC’ bracelet na mabibili sa event.

Upang makasama sa ‘Juan Fun Day,’ kinakaila­ngan ng fans na bumili ng “Juan dela Cruz” official soundtrack sa venue sa mismong araw ng event.

Abangan din ang mga susunod na ‘Juan Fun Day’ sa Metro Pacific Mall, Lucena sa Mayo 26 (Linggo); Market Market, Taguig sa Hunyo 2 (Linggo); Ayala Center, Cebu sa Hunyo 8 (Sabado); Abreeza Mall, Davao sa Hunyo 16 (Linggo); Marquee Mall, Pampanga sa Hunyo 22 (Sabado); Tacloban sa Hunyo 23 (Linggo); at sa Palawan sa Hunyo 29 (Sabado).

 

vuukle comment

CRUZ

HUNYO

JUAN

JUAN FUN DAY

KANILANG

LINGGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with