Halalan 2013 coverage ng ABS-CBN mas tinutukan
MANILA, Philippines - Mas maraming Pilipino sa buong bansa ang tumutok sa ABS-CBN mapa-telebisyon man o online para makuha ang piÂnaÂkahuling balita at pangyayari sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa buong mundo na idinaos na halalan noong Lunes (Mayo 13).
Panalo sa national TV ratings ang Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo na Halalan 2013 coverage ng ABS-CBN mula 6:00 a.m. hanggang 12:00 m.n. na nakakuha ng 13.7% raÂtings kumpara sa Eleksyon 2013 ng GMA na nakakuha lang ng 10% ratings, ayon sa datos ng Kantar Media na sakop ang parehong urban at rural homes.
Pumalo ng 27% ang TV Patrol na pinangunahan nina Noli de Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon, o siyam na puntos na mas mataas laban sa 24 Oras na nagtala lamang ng 18.4%.
Sinubaybayan din ang coverage ng ABS-CBN maging sa Twitter kung saan mas ginamit ng netizens ang hashtag na #HaÂlalan2013, kung kaya’t naging trending topic ito sa naÂturang social networking site. Ito ang natatanging hashtag ng elecÂtion coverage ng isang news organization na nakapasok sa trending topics ng Twitter sa araw ng halalan.
Binalikan din ng ABS-CBN ang ilan sa mga pinakamaiinit na tunggalian sa mga lokal na posisyon sa KampanyaSerye sa pamamagitan ng paghahatid ng sariwang updates sa mga reÂsulta ng botohan sa mga lugar gaya ng Manila, Masbate, CaÂvite, Cebu, Pampanga, Zamboanga, at Laguna.
Bukod sa pagbibigay-diin sa mga lokal na kandidato, naÂnguna rin ang ABS-CBN sa pagbibigay ng updates ukol sa resulta ng botohan ng overseas absentee voters hatid ng news bureaus ng ABS-CBN sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa tulong ng kalahating milyong Bayan Patrollers at 221 reporters sa Pilipinas at iba’t ibang bansa na nakakalat sa 45 live points, hindi lamang inihatid ng ABS-CBN ang pinakakomprehensibong coverage ng halalan kundi mas pinaigting din ang pagpapatrol sa mga hinaing at problema ng mga botante sa kani-kanilang distrito.
Tampok din sa Halalan 2013 ang walang patid na 48-hour coveÂrage ng ANC, ang malawak na pagbabalita ng parehong DZMM TeÂleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630 para sa cable TV at AM radio, at ng ABS-CBNNews.com na naglaan ng pinakahuling balita, pagsusuri sa mga resulta ng botohan at ranking ng mga kandidato, at ang social media tracker na inilunsad kasama ang IBM Philippines para analisahin ang mga komentaryo ng mga netizen tungkol sa mga senatorial candidate.
Naging kaakibat din ng mga mamamayan ang Comelec-HalaÂlan 2013 mobile app ng ABS-CBN para sa mga smartphone at tabÂlet na tumulong sa kanilang hanapin ang kanilang presinto, ang listahan ng mga kandidato at partylist, pati na ang resulta sa mga lokal at national polls base sa datos ng Comelec.
Bumida sa coverage ng ABS-CBN ang celebrity patrollers nito para sa Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na kabilang na sina Bianca GonÂzalez, Valerie Concepcion, Melai Cantiveros, Chieffy Caligdong ng Philippine Azkals, John Lapus, Sam Concepcion, Jed Madela, at iba pa na tumanggap ng mga katanungan at komento ukol sa mga kaganapan sa kanilang lugar sa pamamagitan ng kanilang personal na Twitter accounts.
- Latest