^

PSN Showbiz

Luis papalit na gobernador kay Vilma

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Si Luis Manzano naman ngayon ang pinagtutuunan ng pansin para lumahok sa pulitika. Mukha namang nasimyento na ni Gov. Vilma Santos ang kanyang daraanan. Hindi na siya gaanong mahihirapan. At sa na­ging record ng Star For All Seasons, nagkaroon din ng magandang image si Luis. Hintayin na lang natin kung gaano kaaga, makukumbinse ang anak na sundan ang yapak ni madir.

Mariel hindi pinatulan ang dating asawa ni Robin

Dapat lang talaga na ‘di patulan ni Mariel Rodriguez ang mga patutsada ni Liezel Sicangco sa kanya. Para hindi na ito magtagal pa at humaba da­hil siya din lang ang maaapektuhan dahil siya ang nasa limelight. Hindi naman siguro papayagan ni Binoe na maltratuhin si Mariel ng dating asawa nito ’noh?! Pero ano nga kaya ang nagtulak sa ex ni Binoe para magsasalita ngayon sa Instagram?

Aga inaasahang mag-a-ala koko Pimentel

Ang lungkot  naman na marami rin palang taga-showbiz ang hindi pinalad sa nakaraang eleksiyon. Pero ang advantage lang ng mga artistang natalo, may babalikan pa silang career. Hindi naman lahat ay nawala. Di tulad ng marami diyan na walang nasusulingan dahil hindi tinanggap sa pulitika.

Pero ang talagang nakakalungkot ay ‘yung kaso ni Aga Muhlach na naging kam­pante nung nananalo na siya kaya ayun, nalusutan siya ng kalaban. Bukod sa naipatigil ang bilangan na alam naman natin na malaking hokus-pokus ang nagaganap, bigla no. 2 na lang siya.

Sana nga Aga, katulad ni Koko Pimentel ay maipaglaban mo ang kaso mo. Kahit pa nangangahulugan ito ng ma­haba-habang laban.

AGA MUHLACH

KOKO PIMENTEL

LIEZEL SICANGCO

MARIEL

MARIEL RODRIGUEZ

PERO

SI LUIS MANZANO

STAR FOR ALL SEASONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with