^

PSN Showbiz

Lovi ayaw nang maalala ang muntik nang paglipat sa TV5

PIK PAK BOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sobrang impressed ang ilang foreign celebrities na dumalaw sa ating bansa kamakailan lang.

Natuwa si Sarah Jessica Parker sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy. Gustung-gusto rin siya ng mga Pinoy dahil napaka-approachable niya kaya tuwang-tuwa ang mga nakapunta sa opening ng SM Aura Premier sa Taguig City dahil ang dali-dali nilang lumapit at nakapagpa-picture sa kanya.

Si Vin Diesel naman ay hindi napigilang maluha nang dumalo ito sa fans day nila na ginanap sa Glorietta, Makati City kamakalawa ng hapon.

Nangako itong babalik siya ng bansa dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy.

PAK: Naglabasan na sa ilang diyaryo at social network sites ang pagpapa-tattoo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera kamakailan lang.

Okay lang kay Dingdong na pag-usapan ang tung­kol sa pagpapa-tattoo niya ng Alpha Omega logo sa may pulso. Pero si Marian ay ayaw magsalita dahil sa nag-aalala ito sa kontrata niya sa ilang endorsement.

Isa lang daw iyon sa bonding nilang magkasintahan kaya nagulat sila na naging isyu pa iyon at ginawa pang point of discussion ng fans nila.

BOOM: Finally, pumirma na rin si Lovi Poe ng renewal ng kontrata sa GMA 7.

Ayaw sagutin ni Lovi ang tungkol sa isyung offer ng ibang istasyon.

“I just took a vacation lang naman and gusto kong magpahinga sandali.

“I’m just so happy, that I’m back home,” pahayag nito.

Pagdating sa alok ng ibang istasyon, ito ang sabi ng aktres:  “I don’t wanna say anything about that. Basta ako I missed everyone here. Excited ako to do a teleserye soon. I think we should move on na lang. It’s something that I don’t wanna talk about that.

“Ako, my heart is still here in GMA.”

 

vuukle comment

ALPHA OMEGA

AURA PREMIER

DINGDONG DANTES

LOVI POE

MAKATI CITY

MARIAN RIVERA

PINOY

SARAH JESSICA PARKER

SI VIN DIESEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with