^

PSN Showbiz

Kaya hindi aktibo sa showbiz Pops tinanggihan ang offer na pelikula, mas gusto pang mag-negosyo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam ba ninyo na may ilang beses na palang inalok ang Concert Queen na si Pops Fernandez na muling subukan ang acting at malumanay niya itong tinatanggihan dahil singing, hosting, at performing ang kanyang true love? Ayaw umano niyang gawin ang isang bagay na hindi siya komportable. 

Unknown to many, abala rin si Pops kanyang mga itinayong negosyo at kasama na rito ang kanyang online business na Pipay at ang pagpo-produce ng mga live concert. Si Pops ay isa sa mga producer ng successful Valentine concert na Foursome na tinampukan nila ni Martin Nievera at ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez na nagkaroon pa ng repeat concert sa The Arena ng SM Mall of Asia.

Isa sa mga plano ni Pops ay pagsama-samahin sa isang concert ang mga new crop of singers na sina Isabella (anak ni Kuh Ledesma), Zia Quizon (anak ng yumaong hari ng komedya na si Dolphy at ni Zsa Zsa Padilla), Paolo Valenciano (anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan) at Robin Nievera (anak ng estranged couple) na sina Pops at Martin. 

Si Pops ang presidente ng DSL Productions na binuo ng kanyang ina, ang dating aktres na si Dulce Lukban. Ang Concert Queen ang nagpapatuloy sa kumpanyang itinatag ng kanyang ina na siyang nag-produce ng mga sold-out major concert niya sa Smart Araneta Coliseum, Folk Arts Theater, Rizal Stadium, at ULTRA.

Patrick at Carlo napag-iwanan na ng mga ex-GF

Isa kami sa natutuwa para sa mga young actor na sina Patrick Garcia at Carlo Aquino na muling binigyan ng pagkakataon ng dati nilang home studio, ang ABS-CBN, na muling maging aktibo sa larangang kanilang pinasok dahil pareho silang mahuhusay na aktor. Kasali sila sa newly-revived teleserye na Anna Liza. 

Sad to say, napag-iwanan sina Patrick at Carlo ng kanilang mga ex-girlfriend na sina Jennylyn Mercado at Angelica Panganiban in terms of stardom. But it’s never too late for the two actors to catch up. Ang kailangan lamang nila ay disiplina sa sarili at good projects.

Sarah hinihintay na ng California fans

Excited ang fans ng Pop Princess na si Sarah Geronimo sa Los Angeles, California at neighboring areas dahil muli nilang mapapanood ng live via a major concert sa Orpheum Theater in L.A. on June 2 ang kanilang idolo. 

Several years ago, dito rin nangyari ang kauna-unahang sold-out concert ni Sarah na produced ng ABC Entertainment ni Tito Al Chu na siya ring producer ng Sarah@24. Sarah has evolved and matured not only as a person kundi maging bilang concert star kaya bawat concert na kanyang gawin be it in the Philippines o sa ibang bansa ay inaabangan ng kanyang mga tagahanga. 

Habang patuloy ang tagumpay ni Sarah bilang singer-performer at actress, loveless pa rin siya hanggang ngayon. Ang kanyang huling special friend na si Gerald Anderson ay masaya na ngayon sa piling ni Maja Salvador.

Personal…

Ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga taong nakaalaala sa aking kaarawan nung nakaraang May 10. Maraming salamat kina Daryl Ponce at Celine de Leon ng Nosthimia Cate­ring Services, Toki Japanese Restaurant, L. Carlos Florist, Belo Medical Group, Fernando’s Cake, Koji Miyashita, Keysquare, Inc., Toki Foodhaus, Pops, Boy Abunda, Ogie Alcasid, Jamie Rivera, Rita Avila, Jeanette Fernando-Dizon, Malou Choa-Fagar, Dioceldo Sy ng Ever Bilena, Renee (Ate Glow), Jacque (Jinky) Oda, Ronald Constantino, Butch Francisco, Direk Gil Portes, Jojo Gabinete, Shirley Pizarro, Allan Diones, Noel Orsal, Boy Borja, Cory Quirino, Luisa de Leon of WorldCom-Japan, at marami pang iba pa. 

Sa lahat ng nag-post sa aking Facebook, sa mga tumawag at nag-text ng mga pagbati. Sa inyong lahat, maraming, maraming salamat!

ALLAN DIONES

ANG CONCERT QUEEN

ANGELI PANGILINAN

ANGELICA PANGANIBAN

CONCERT

KANYANG

OGIE ALCASID

SI POPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with