^

PSN Showbiz

Magpakailanman: Child Rape Video Scandal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sa pangalawang Mother’s Day presentation ng Magpakailanman nga­yong Sabado, sundan ang isang kuwento ng nanay na humarap sa isang ma­tin­ding dagok sa buhay.

Ano ang gagawin mo kung matuklasan mo na ang anak mo ay ginahasa? Paano kung malaman mo na ang gumawa nito ay ang taong pinagkatiwalaan mong magliligtas at magpoprotekta sa kanila? Ito ang mga katanungang hinarap ni Jessa Aquino nang magsumbong ang kaniyang mga anak na ang panganay nilang kapatid ay ginagalaw ng sarili nilang ama.

Hindi bago kay Jessa ang sexual abuse. Bata pa lamang siya ay namulat na siya rito nang galawin siya ng sarili nitong tito. At ang masakit pa ay nang magsumbong siya sa ina ay hindi siya pinaniwalaan nito. Pinagbintangan pa siyang gumagawa lang ng kuwento.

Kaya nangako si Jessa na kapag siya ang magkaroon ng pamilya, hindi niya hahayaang mangyari ulit iyon.

Nang mabuntis si Jessa, hindi niya alam ang gagawin niya. Huli na nang malaman niyang pamilyado na ang ama ng kanyang magiging anak. Masakit man ay pinakawalan niya ang lalaki sa responsibilidad nito sa kanya.

At saka naman niya nakilala si Angelo, ang kanyang naging guardian angel sa mga panahong nangailangan siya ng kalinga at pagmamahal. Kahit na magkakaanak sa ibang lalaki, naging buo at totoo ang pag-ibig ni Angelo para kay Jessa. At inakala ni Jessa na magiging maayos na ang buhay niya. 

Ngunit ang pangalan ni Angelo ay tumutukoy lang sa kanyang maamong mukha. Dahil matapos silang ikasal ng lalaki, nakilala ni Jessa ang tunay nitong ugali — tamad at palaasa, na ang pakialam lang ay ang kapakanan ng sarili.

Ang hindi alam ni Jessa ay may mas matindi pang gagawin si Angelo sa buhay niya.

Isang araw, magugulat na lang si Jessa nang salubungin ito ng mga anak para isumbong ang pinaggagawa ng ama sa kanilang panganay na kapatid — ang pag-perform ng sexual acts na pinanonood ng ama sa mga Internet porn site na pinupuntahan.

Hindi nito matanggap na ang nangyari sa kanya noon ay nangyayari ulit. 

Paano haharapin ni Jessa ang bagong dagok na ito sa kanyang buhay? Ano ang kailangan gawin ng kanyang mga anak para maniwala siya sa kanilang paratang?

Magagawa ba niyang talikuran ang lalaking minsan niyang naging tagapagtanggol para sa kapakanan ng anak? 

Itinatampok sina Angelu de Leon, Kyle Ocampo at Neil Ryan Sese at mula sa mahusay na direksiyon ni Laurice Guillen at sa panulat ni Senedy Que, huwag palagpasin ngayong Sabado ang Magpakailanman – The Child Rape Video Scandal pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

 

ANGELO

ANO

CHILD RAPE VIDEO SCANDAL

DADDY KO

JESSA

JESSA AQUINO

KYLE OCAMPO

LAURICE GUILLEN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with