^

PSN Showbiz

Lovi naiiyak sa pagkapanalo ni Grace Poe

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hangga’t hindi nakakapirma ng kontrata si Lovi Poe, hindi matitigil ang hulaan kung saan siya talaga pipirma ng kontrata. Bago mag-election, nabalitang magre-renew na siya sa GMA Network at nang-imbita na nga ng press, pero kinansela sa last minute dahil daw sa conflict of schedule.

Last Tuesday, nabalitang pipirma ng kontrata sa Wednesday (kahapon) si Lovi, pero hindi sa GMA Network, kundi sa TV5. Kapag hindi natuloy pumirma ng kontrata kahapon si Lovi, baka ang sumunod na balita, sa GMA Network siya magre-renew ng kontrata.

Magulo hindi ba? Kaya mas mabuti kung hintayin na lang natin kung saan talaga patatali si Lovi, granted na hindi pa siya nakapirma kahapon sa TV5.

Samantala, masaya si Lovi sa pagna-number one ng kapatid niyang si Grace Poe sa mga senatoriable. “Nakakaiyak when they talked about my papa. I’m so sure Papa is guiding Ate Grace,” sabi ni Lovi.

GMA maraming sisimulang programa

Marami palang ilu-launch na bagong shows ang GMA Network this June at sa mga susunod pang mga buwan. Last Tuesday nga, four new shows ng network ang nag-storycon at pare-parehong sa buwang ito ang pilot.

Kabilang sa mga bagong show ang With A Smile  tampok ang love team nina Mikael Daez, Andrea Torres at Christian Bautista sa direction ni Louie Ignacio. Sa morning time slot daw ito ilalagay. Ibig sabihin, itatapat sa Be Careful With My Heart ng ABS-CBN.

Speaking of Christian, hanggang ngayon may mga nang-ookray pa rin pala sa kanya dahil sa paglipat sa GMA Network. Hindi nagalit ang singer-actor at sa halip inintindi ang mga nang-ookray sa kanya.  

Show nila Barbie pang-hapon lang

We stand corrected! Ang Anna Karenina pala at hindi ang Mga Basang Sisiw ang papalit sa Indio at sa June 3 na ang pilot. Si Gina Alajar ang director ng Anna Karenina at si Ricky Davao ang director ng Mga Basang Sisiw na pang-Afternoon Prime ang time slot.

Hindi kaya  magreklamo ang fans nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio dahil sabi sa amin, ang dalawa ang gaganap sa role na ginampanan nina Sunshine Dizon at Polo Ravales sa original Anna Karenina? 

Sabi ni direk Ricky, this week na siya magti-taping ng Mga Basang Sisiw at tampok sina Cong. Lani Mercado, Gardo Versoza, Mike Tan, at Raymond Bagatsing.

 

vuukle comment

AFTERNOON PRIME

ANDREA TORRES

ANG ANNA KARENINA

ANNA KARENINA

ATE GRACE

LAST TUESDAY

LOVI

MGA BASANG SISIW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with