Nanay ni Angelica panganiban namatay!
MANILA, Philippines - Namatay ang nanay ni Angelica Panganiban last Tuesday. Pero hindi ito ang tunay na ina ni Angelica. Ito ang nag-ampon sa kanya, si Melania David Panganiban.
“19 weeks ago kumpleto pa tayo... 19 weeks ago kasama pa natin si mommy.. 19 weeks ago kaya pa natin mag-tawanan ng malakas at pagtawanan si mommy.. 19 weeks ago, natupad ang pangarap natin na mabuo tayong lahat.. Hinintay na lang pala ni mommy na makita tayong kumpleto at masaya,†sabi ni Angelica sa kanyang Instagram account kung saan naka-post ang family picture nila.
“Mommy... Mahal na mahal ka namin.. Walang nakapaghanda sa biglaan mong pag iwan sa amin.. Ma mimiss ka namin ng sobra sobra.. Thank you for adopting me and giving me a family. I love you mommy. I will really miss you,†dagdag niya.
Hindi lihim ang pagiging adopted daughter ng aktres na karelasyon ni John Lloyd Cruz.
Inamin niya ito noon.
Maalala ring naikuwento niya noon na finally ay nakilala na niya ang kanyang tunay na ama nang magkita sila sa America at noong Pasko ay balitang dinalaw sila rito ng kanyang Amerikanong tatay.
Aga nagpapatulong, bilangan sa kanilang distrito hindi matapus-tapos
Todo-panalangin ang mga kaalyado kahapon ni Aga Muhlach dahil nakaramdam sila na may nangyayaring ‘magic’ dahil hindi pa natatapos na bilangan sa kanilang probinsiya. May isyu na kesyo invalid daw ang ibang boto at sadÂyang dini-delay ang bilangan. Kaya naman kahapon ay nagpapa-tulong na ang kampo ni Aga na sana ay ayudahan sila ng Pangulong Noynoy Aquino dahil sigurado silang may nangyayaring kakaiba. Eh sa mga naunang resulta, si Aga ang nanalo. Pero ang daÂting lamang na si Aga ay biglang naabutan ng kalaban niya.
Simula umpisa nang kampanya ay katakut-takot na pahirap ang dinaanan ni Aga.
Himig handog P-POP Love song finalist na si Wynn Andrada gustong alayan ng kanta si Kim
Pumirma na ng recording deal ang finalist sa songwriting competition na Himig Handog P-pop Love Song na si Sherwin ‘Wynn’ Andrada sa Star Recording Inc. kamakailan. Kasama sa mga unang proyektong inihain para kay Wynn ang kanyang kauna-unahang solo album kung saan isa sa kabilang na singles ang kanyang P-Pop love song entry na Tamang Panahon. “Napaka-overwhelming po ang pagkakataong ito at hindi ko sasayangin ang tiwala ng Star Records. Sa una kong album, karamihan po roon ay original compositions ko, mostly mga love song,†sabi niya.
Ibinahagi rin ng 18 taong gulang na musikero kung paano siya sumusulat ng mga awiting talaga namang tumatatak at nakakaantig sa puso ng mga tagapakinig. “Sa pagko-compose po ng mga kanta, kadalasan binabase ko sa mga personal experience ko, sa mga crush ko o minsan base naman sa mga kuwento ng mga kaibigan,†kuwento ni Wynn.
Nang tanungin kung sino sa mga Kapamilya female star ang nagsisilbing “inspirasyon†niya sa paglikha ng kanta, walang pagdadalawang-isip na pinaÂngalanan ni Wynn si Kim Chiu bilang ang kanyang celebrity crush at nagpasaÂring pa na willing siya umanong gumawa at mag-alay ng kanta para sa primetime princess.
Bukod sa pag-awit at pag-compose ng kanta, tumutugtog din si Wynn ng musical instruments gaya ng drums, acoustic guitar, bass guitar, at marami pa.
Bukas din daw ang binata sa mga acting project kung sakaling may mag-aalok sa kanya.
- Latest