TV5 shows pasok sa Top 15 nationwide ratings
MANILA, Philippines - Maganda ang naging ratings ng TV5 sa ilang key regions noong Abril 28 para sa mga programa nito. Ayon sa Nielsen TV Audience Measurement Arianna ratings, pumasok sa Top 5 NUTAM Top Daytime Programs ang movie block na Sine Ko Singko Weekend (Shrek the Third) at Loko Moko U. Parehas itong nakakuha ng 3.7% AMR. Pasok din sa Top 15 daytime programs ang Sine Ko Singko movie na Eragon, Magic? Gimik! at ang mga kid-friendly shows na Sym-bionic Titan at The Amazing World of Gumball.
Mataas din ang nakuhang ratings ng Kapatid Network sa primetime. Ang Talentadong Pinoy Worldwide at Istorifik Kwentong Fantastik (Robin Dude) ay parehas na pumasok sa Top 10 na nagkamit ng 3.4% AMR. Ang telecast ng 2013 PBA Commissioner’s Cup Semi-finals game ng Barangay Ginebra kontra Talk ‘N Text Tropang Texters ay pasok din sa Top 15.
Maganda rin ang naging ratings ng huling linggo ng superhero serye na Kidlat. Pumasok ang fantaseryeng pinagbibidahan ni Derek Ramsay sa Top 15 ng primetime programs nationwide. Lubos na tinutukan ng mga viewers ang huling yugto ng show lalo na sa Visayas at Mindanao kung saan umabot sa Top 5 ang Kidlat at umani ito ng 9.3% AMR sa Visayas at 9.6% sa MinÂdanao.
Higit na mas mataas ang rating ng TV5 sa mga key areas sa Luzon, Visayas, at Mindanao kung saan siyam na programa nito ang pumasok sa Top 15 ng daytime programs.
Kapansin-pansin na ang mga family-friendly programs ng Kapatid Network tulad ng Sine Ko Singko, Loko Moko U, Talentadong Pinoy Worldwide, Istorifik Kwentong Fantastik, at Kidlat ang umaani ng mataas na ratings.
- Latest