^

PSN Showbiz

Ibinuko sa Instagram Liezel Sicangco may galit kay Mariel!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Kanino kaya patungkol ni Liezel Sicangco ang mga nakakaintriga niyang posts sa Instagram account niyang “Grow up and be nice” at “You married a man with children. He’s not always yours.”

Wala pang reaction si Mariel Rodriguez o si Robin Padilla sa posts ni Liezel na pinagdidiskusyunan sa Internet. May nangyari kayang hindi pa alam ng press between Liezel and Mariel?

Ryan bibida sa sitcom

Tatlo pala ang bida sa bagong sitcom ng TV5 na ang isa ay si Ryan Agon­cillo at kung saan co-producer din ang mister ni Judy Ann Santos. Hindi binanggit sa amin kung sino ang dalawang bida na makakasama ni Ryan, basta surprise raw kung sino sila.

Sa June raw magpa-pilot ang sitcom na ididirehe ni Joey Reyes at siya rin ang scriptwriter. Pumasok sa isip naming baka isa sa magbibida sa sitcom at makakasama ni Ryan ay ang nababalitang lilipat sa TV5 sa June.

Siniguro na ng kampo ng TV at movie personality ang paglipat sa TV5 at tinatapos lang mag-expire ang kontrata sa network niya ngayon.

Richard gustong pauwiin si Sarah

Nang ma-interview sa taping ng Love & Lies, 11 years and two months na sa showbiz si Richard Gutierrez. Dahil malawak na rin ang experience ay nagsi-share na ito ng ideas at input sa mga project na ginagawa, gaya na lang sa suspense serye na kapag may kulang o problema sa script ay sila ni Direk Mark Reyes ang umaayos at kung kailangang dagdagan o bawasan, idea nilang dalawa ’yun.

Pati playback ng mga eksenang nakunan na, tinututukan din ni Richard at ang sipag at concern nito sa trabaho particular na sa Love & Lies, ang nakita ng co-stars nitong sina Sid Lucero, Bela Padilla, at Michelle Madrigal. Humanga sila kay Richard dahil kahit big star ay hindi umaarteng big star sa set.

Samantala, ngayong tapos na ang eleksiyon, hindi na magpapabalik-balik sa Cebu si Richard. Mas makakapag-concentrate na siya sa taping lalo na’t patapos na ito at marami pang action scenes na kukunan.

After Love & Lies, dadalawin ni Richard sa Switzerland ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati dahil miss na miss na siya ng aktor.

“Gusto ko na siyang bumalik dito...but sa right time,” patungkol ng aktor sa nobya.

Tom masayang-masaya sa pagtuntong sa Kapuso

Kahapon ang storycon ng My Husband’s Lover at first time nakarating sa GMA Network si Tom Rodriguez. Ma­sayang-masaya ang ak­­tor dahil kahit first soap niya ito sa Kapuso Network, isa na agad siya sa mga bida at ma­ki­kipagsabayan kina Den­nis Trillo at Carla Abellana.

Sabi ng manager ni Tom na si Popoy Caritativo, bala next week, pumirma na ng kontrata sa GMA Network si Tom. Gagawin nitong formal ang paglipat sa Ch. 7 sa pagpirma ng exclusive contract sa network.

vuukle comment

AFTER LOVE

BELA PADILLA

CARLA ABELLANA

DIREK MARK REYES

JOEY REYES

JUDY ANN SANTOS

KAPUSO NETWORK

LIEZEL AND MARIEL

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with