Wildcard finalist na Agravante family grand champ sa Bida Kapamilya round 2
MANILA, Philippines - Para sa mahusay at nakakaaliw na pagsasadula ng kasaysayan gamit ang kanilang sari-saring taÂlento, itinanghal na grand champion ang Agravante family ng Sta. Cruz, Laguna para manalo ng P1 milyon sa Bida Kapamilya Round 2: The Finals ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime noong Sabado (Mayo 11).
Sa tulong ng kanilang celebrity mentor na si GiÂselle Sanchez, isinalaysay ng Agravante family sa paÂmamagitan ng pagkanta, pagsayaw, at pag-arÂte ang pinagdaanan ng mga Pilipino noong panahon ng himagsikan at ang kanilang pakikipaglaban para sa kalayaan laban sa mga banyaga. Nakuha ng winning family ang pinakamataas na average na score na 9.8 mula sa mga hurado laban sa pito pang grand finalists, kahit pa nagkaroon lang ito ng isang araw para bumuo at praktisin ang panibagong performance matapos tanghaling wildcard winner noong Huwebes.
Sobrang bumilib ang host at huradong si Vice Ganda sa performance ng Agravante family at nagÂsaÂbing, “Kaya ko sobrang gusto ang ginawa ninyo, pinagsama-sama n’yo ang halos lahat ng napanood ko sa mga pamilya kanina. May kumanta, may suÂayaw, may nag-stunt, may nag-rap. Lahat ‘yun nakaya niyo at naipakita ninyo sa amin nang mahusay.â€
Samantala, abangan naman ang pagsisimula ng bagong pa-contest ng It’s Showtime ngayong summer na Bida Kids para sa mga chikiting na edad tatlo hanggang 12.
Manatiling manood ng It’s Showtime, 12:30 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes at 12 n.n. tuwing Sabado sa ABS-CBN.
- Latest