^

PSN Showbiz

Regine nagdesisyon na ’wag samahan si Ogie na lumipat

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Dahil lamang napabalitang pupunta si Ogie Alcasid  sa kalabang istasyon na Kapatid Network sa pagtatapos ng kontrata nito sa susunod na buwan sa GMA 7, nabulabog ang maraming taga­hanga ni Regine Velasquez na baka sundan niya ang asawa sa kabila. Okay sana ito kung hindi mga Kapuso rin ang sumusuporta sa kanya pero dahil Kapuso nga sila, nababagabag sila sa posibilidad na hindi lamang si Regine ang makwestyon ang loyalty kundi maging sila rin.

Pero saan man pumunta si  Regine ay dun din sila. Fortunately, kinumpirma ni Songbird, natapos ang pagbibigay niya ng opinyon tungkol sa tinatawag na loyalty na hindi niya iiwan ang Kapuso Network pero suportado niya ang lahat ng desisyon ni Ogie.

Kris tututukan ang pelikula ni Bimby

Follow up ito sa ibinalita kong pag-aartista ni Baby James o Bimby na kay Kris Aquino mismo nanggaling. Excited ito dahil isa sa mga bida ang kanyang anak sa pelikula na makakasama sa Me­tro Manila Film Festival 2013.

Sa sobrang excitement niya ay sinabi niyang hindi siya tatanggap ng trabaho  at magbabantay lang sa anak. Dapat magsilbi itong warning sa sinumang pagtatrabahuhan ng presidential nephew na dapat nasa ayos ang lahat dahil nakabantay ang madir ng bata. Anytime ay puwede itong magreklamo kapag may hindi ito magustuhan.

Enzo ‘di nakipagbalikan kay Louise

Itinatanggi ni Enzo Pineda na nagkabalikan sila ni Louise delos Reyes.  Sinabi nitong magkaibigan lang sila ng ex-girlfriend niya at gusto niyang sa sitwasyong ito sila manatili ni Louise. 

Ayaw niyang madaliin ang pagbabalikan  nila, kung mangyayari nga ito. Iniaasa na lamang niya sa tadhana kung anuman ang mangyari sa kanila. Ganun?!

BABY JAMES

BIMBY

ENZO PINEDA

KAPATID NETWORK

KAPUSO

KAPUSO NETWORK

KRIS AQUINO

MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with