^

PSN Showbiz

Pagpapa-stem cell ni Joshua tuloy na, sa Singapore gagawin!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Wala pa ring bakasyon si Kris Aquino kahit tapos na ang kampanya dahil tuluy-tuloy pa rin ang trabaho niya. Kahapon lang siya nakapagpahinga after bumoto sa isang presinto sa Makati City.

Sa schedule ni Kris, nabasa na­ming may appointment siya bukas sa Singapore Embassy. May kinalaman yata ito sa balak niyang dalhin doon ang anak na si Joshua para ipa-stem cell therapy. Ang basa namin, si Kris ang magiging donor ng stem cell na ita-transfer kay Josh.

Bukas din ang meeting ni Kris kina Boy Abunda at manager niyang si Deo Endrinal para sa filmfest movie ni Bimby. Wala pang detalye tungkol dito dahil magmi-meeting pa lang ang tatlo.

Tuloy din ang taping ni Kris para sa Kris TV  at sa Thursday at Friday kundi sa Pampanga o Bulacan ay sa Bataan sila magti-taping. Ang Saturday at Sunday ng TV host-actress ay para sa Pilipinas Got Talent  o PGT Live. Sasaglit din siya sa AFP Theater para tanggapin ang box-office award sa Guillermo Mendoza  Scholarship Award.

Daniel at Kathryn tatapatan ng GMA 7 ng Basang Sisiw

Panay-panay na ang pagpapakita ng GMA 7 ng teaser ng show na wala pang title, pero may nakalagay na “lansangan.” Teaser ito ng bagong soap ng network na Mga Ba­sang Sisiw. Papalit daw ito sa Indio na three weeks na lang ang airing, kung totoo, primetime ang time slot nito.

May nakausap kaming taga-Chan­nel 7 at ang sabi, nagpa-audition sila ng mga batang magbibida sa remake ng hit movie na ipinalabas noong 1981. Sigurado namang may homegrown ta­lents ang network na makakasama sa cast ng Mga Basang Sisiw.

Nag-Google kami at nalamang produced ng BHS Films ni Helen Vela ang pelikulang Mga Batang Sisiw. Bida rito sina Janice de Belen, Sheryl Cruz, Julie Vega, at Niῆo Muhlach. Sino sa palagay n’yo sa Kapuso talents ang babagay sa role ng mga nabanggit?

Kung totoong ipapalit ang Mga Basang Sisiw sa Indio, ang soap nila Daniel Padilla at Katryn Bernardo na Got to Believe ang makakatapat nito dahil ito naman ang ipapalit daw sa Juan dela Cruz.

Carla pressured agad sa gagawin pa lang na serye

Ngayong araw ang storycon ng My Husband’s Lover  at makikilala na ni Carla Abellana si Tom Rodriguez, ang aktor na gaganap na mister niya at magiging lover ni Dennis Trillo.    

Excited din si Carla sa magiging reaction ng viewers sa My Husband’s Lover dahil first time ang ganitong concept sa primetime TV.                                                                                       

Pakpak ni Eula halos singkuwenta mil ang halaga

Lumipad tungong Cebu si Eula Caballero dahil dumating ang ama na nagtatrabaho sa ibang bansa. Advance birthday gift sa bida ng Cassandra: Warrior Angel ang pagdating ng ama dahil natupad na makasama ito sa birthday niya sa May 23. Dream ni Eula na mapagsama ang mga magulang kahit sa kaarawan man lang niya, mapagbigyan kaya siya?

Siguradong magiging proud ang ama ni Eula ‘pag napanood ang Cassandra dahil hindi lang bida ang anak, malaking project din ito at all-out ang suporta ng TV5. Hindi tinitipid ang production cost, ang pakpak pa lang ni Eula, worth P40,000 na ang dinig namin, dalawang pakpak ang ipinagawa ng TV5.

Nagbibigay ng malaking pressure kay Eula na ang Kidlat ang pinalitan ng Cassandra dahil gumawa ng malaking ingay ang serye ni Derek Ramsay at maganda rin ang ratings hanggang natapos.

 

ANG SATURDAY

BASANG SISIW

BOY ABUNDA

CARLA

CARLA ABELLANA

EULA

MGA BASANG SISIW

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with