^

PSN Showbiz

Sarah intimidated sa mga kasama

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kilala ang ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine sa pagiging mahigpit nito sa mga anak lalo na sa Pop Princess. Aminado naman si Sarah na may mga pagkakataon na kinukuwestiyon na rin niya ang sariling ina pero nauunawaan naman niya ito.

“There was a time na parang confused ka rin. So, parang sana, malampasan ko na ’yung stage na ’yun. ’Yung naiisip mo sobra ba silang protective? Ano ba ang dahilan? Bakit ganito? Bawal ’yung ganito, bawal ’yung ganyan-ganyan. Pero as I age, as I experience things, as I experience pain, naiintindihan ko kung bakit ganun siya.

“At nagpapasalamat ako ng sobra-sobra na ganun siya ka-protective. May nakita pa kong ibang mothers na mas istrikto pero si Mommy hindi. Sobra niya lang kami talagang mahal,” paliwanag ni Sarah.

Samantala, abala na ngayon ang dalaga para sa bagong reality show na The Voice of the Philippines at kakaibang Sarah ang kailangang abangan ng lahat dito.

“Itong pagiging coach ko sa The Voice is a big challenge for me kasi kumbaga ’di na ako ito eh, ’Di ko na ‘to istorya. ’Di ko na ’to boses. Boses na ‘to ng mga tao na nangangarap. So, in charge ka sa victory nila eh. Ang masakit nun, siyempre may Battle Rounds na, kailangan na mag-eliminate sa team ko, masakit,” paglalarawan ng singer.

Makakasama ng dalaga bilang mga coach din sa programa sina Lea Salonga, apl.de.ap, at Bamboo. Isang malaking karangalan para kay Sarah ang maihilera sa mga ito.

“Actually, nakaka-intimidate po talaga. Tuwing taping day namin nilalabanan ko talaga ‘yung intimidation. Pero nilalakasan ko na lang po ’yung loob ko,” pagtatapat niya.

Vice Ganda ayaw mapalapit sa pamilya ng bf

Masaya raw si Vice Ganda sa relasyon nila ng boyfriend na, ayon sa komedyante, ay ayaw niyang ipakilala sa publiko. Alam daw ng pamilya ng lalaki ang tungkol sa kanila.

“Alam naman nila. Hindi ko lang alam kung tanggap nila. Siguro wala na rin silang magawa. Hindi naman nakikialam sa amin ’yung family pero napag-usapan naman naming ’yung tungkol sa family,” nakangiting pahayag ni Vice.

Ayaw din daw ng Phenomenal Star na maging malapit sa pamilya ng kanyang nobyo.

“Ayokong naa-attach sa pamilya. Ayoko lang kasi na-experience ko na ‘yung dyowa ko ’tapos ‘yung pamilya niya kakilala ko, katsika ko, parang pati pamilya niya dyowa ko,” kuwento ni Vice.

Pagdating naman sa sariling pamilya ng komed­yante ay hindi rin nanghihimasok ang mga ito sa kanyang buhay pag-ibig.

“Hindi sila nakikialam,’ di sila nagtatanong at all. Kahit nanay ko, ’yung kung sinong dyowa ko, wala. Ibinibigay nila sa akin ’yun,” giit ni Vice.

Abalang-abala na ngayon ang komedyante para sa I-Vice Ganda Mo ’Ko sa Araneta concert na gaganapin sa Big Dome ngayong Biyernes. Reports from JAMES C. CANTOS

                          

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ALAM

BATTLE ROUNDS

BIG DOME

I-VICE GANDA MO

LEA SALONGA

MOMMY DIVINE

VICE GANDA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with