^

PSN Showbiz

Sen. Bong nagsampa ng harassment!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi totoo ang mga paninira na may mga NBI agent sa bahay ni Senator Bong Revilla, Jr. sa Bacoor, Cavite.

Naniniwala ako sa sinabi ni Bong na biktima siya ng harassment dahil sa search warrant na inilabas ng Philippine National Police (PNP) para maha­lughog ang pamamahay nila.

Si Bong nga ang humihingi ng tulong dahil may naglagay ng mga spike sa tapat ng bahay nila noong bisperas ng eleksiyon, ’tapos siya ang pinagbibintangan kahapon na may mga National Bureau of Investigation (NBI) agent na may mga armas sa loob ng kanilang bahay sa Bacoor? Tama lang na magsampa ng kaso si Bong laban sa mga tao na inaakusahan niya ng harassment para lumabas ang katotohanan.

‘Kasalanan ba ni Nancy na destiny niya ang maging senador?’

Down-to-earth person si Nancy Binay at soft-spoken kaya maliwanag na paninira sa kanya ang artikulo na lumabas na pinalalabas siya na mayabang at confident na mananalo bilang senador.
Dalawang beses na kaming nagkita at nagkausap ni Nancy at hindi ko naramdaman o nakita na mayabang siya. Very humble nga ang anak ni Vice President Jojo Binay.

Kumbinsido ako na sinisiraan siya ng mga tao na hindi matanggap ang kanyang kandidatura. Kasalanan ba ni Nancy kung destiny niya na maging senadora

Indelible ink totoong mabilis mabura

Totoo ang tsismis, mabilis mabura sa daliri ang indelible ink na ginamit kahapon sa eleksiyon.

Marami ang sumusumpa na simpleng ace­tone at alcogel lamang ang nakabura sa tinta sa kanilang mga daliri. Wala raw kahirap-hirap ang paglilinis sa kuko nila na nilagyan ng indelible ink.


 Kahapon ang araw ng paghuhusga at ngayon naman ang moment of truth para sa lahat ng mga nag-ambisyon na magkaroon ng posisyon sa gobyerno.
Ngayon natin malalaman ang mga kandidato na nanalo at natalo, kahit sinasabi ng COMELEC na bukas pa ang grand reveal! Excited na akong malaman ang mga naging kapalaran ng mga showbiz personality na nangangarap na makapagsilbi sa bayan at pumasok sa magulong mundo ng pulitika.
At para sa mga nanalo, hihintayin ko ang imbi­tasyon sa inyong mga victory party, tulad ng promise ninyo noong masigasig kayo sa pangangampanya.

Party P tatlong taon din ang itinagal

Last show na pala ng Party Pilipinas sa Linggo. Maraming friendship ang nabuo sa Party Pilipinas na tatlong taon din ang itinagal sa ere.
Nag-goodbye man ang Party Pilipinas, sure ako na mas magandang palabas ang inihahanda ng GMA 7. Hintayin natin ang official announcement ng Kapuso Network tungkol sa bagong programa na magpapasaya sa lahat tuwing Linggo ng tanghali.
 

BACOOR

KAPUSO NETWORK

KASALANAN

LINGGO

NANCY BINAY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PARTY P

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with