^

PSN Showbiz

Sunshine umaasang mabubuo muli ang pamilya?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Unti-unti nang nabubuhay ang pag-asa sa puso ni Isabel (Sunshine Cruz) na matatagpuan pa niya ang kanyang panganay na anak matapos niyang makita muli ang dating kasambahay na si Elena (Ana Capri) sa Kapamilya Gold action-drama series na Dugong Buhay.

Sa pagku-krus ng mga landas nina Isabel at Elena, lalong titindi ang galit sa puso ni Victor (Ejay Falcon) ngayong pinaplano ng mga De Lara na ipadakip ang kanyang ina.

Mapagtatagumpayan nga ba ni Isabel ang paghahanap sa kanyang anak? O tuluyan na lang ba niyang tatanggapin na wala na ito?

Sa pagtuklas ng koneksyon ni Elena sa mga De Lara, paano nga ba magbabago ang takbo ng buhay ni Victor kapag nalaman niya na siya ang nawawalang anak ng pamilyang kanyang pina­planong sirain? Patuloy na tutukan ang pag-init ng mga tagpo sa Dugong Buhay tuwing hapon pagkatapos ng May Isang Pangarap sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

vuukle comment

ANA CAPRI

DE LARA

DUGONG BUHAY

EJAY FALCON

ELENA

KAPAMILYA GOLD

MAPAGTATAGUMPAYAN

MAY ISANG PANGARAP

SUNSHINE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with