Nora napasubo sa pagiging Ilokana
Mukhang talagang napasubo si Nora Aunor sa ginawa niyang indie film na may pamagat na Ang Kwento ni Mabuti. Salitang Ilokano ang ginamit niya sa buong pelikula na mapapanood sa susunod na buwan sa isang pang lokal na film festival, ang Cine Filipino.
Siya ang tampok na bituin sa isang entry ng TV5 din.
Marco Alcaraz napalaban sa pag-aalaga ng bata
Napapasubo rin si Marco Alcaraz sa pag-aalaga ng baby nila ni Precious Lara Quigaman. Salitan silang mag-asawa sa pag-aalaga ng bata. Gusto man kumuha ng yaya ng aktor para makatulong nila sa pag-aalaga ng bata ay ayaw pumayag ni Lara na gustong sila mismo ang magpalaki ng kanilang anak.
Sanay sa bata si Lara dahil naging katulong siya ng kanyang ina sa pag-aalaga sa kanyang mga kapatid. Pag-aalaga rin ng bata ang naging trabaho niya nang magtrabaho siya sa UK.
“Kung magagawa namin, gusto kong hanggang sa paglaki ni Noah, pangalan ng anak nila, ay mapangatawanan namin ni Marco ang pag-aalaga sa kanya,†anang dating Miss International.
Yam ibang-iba sa Dugong Buhay
Ibang-iba si Yam Concepcion sa ginagampanan niyang role sa Dugong Buhay. Hindi mo aakalain na siya ’yung naghubo’t hubod sa launching movie niya na Rigodon. Wholesome ang role niya sa serye at parang mas gumanda siya. I’m sure mas marami ang makaka-appreciate sa kanya sa mga ganitong role dahil lumalabas ang beauty niya at ang kabataan niya. Kahit maituturing na bagong artista, mas experienced siya sa kanila nina Ejay Falcon, Arjo Atayde, at Jed Montero dahil nga bold ang launching film niya.
Ka-love team ni Aiza tumawid na sa Kapuso bilang ‘lover’ ni Dennis
Bigla, biyuda na si Cristina Rose na ginagampanan ni Aiza Seguerra dahil for sure magdi-disappear na ang ama ng kanyang anak sa Be Careful With My Heart na ginagampanan naman ni Tom Rodriguez. Nakapasa kasi ito sa audition na ibinigay ng GMA 7 para sa gaganap na closet gay lover ni Dennis Trillo sa bagong serye ng network na pinamagatang My Husband’s Lover. Wife ni Dennis dito si Carla Abellana na matagal ding ’di napanood sa GMA.
Wala namang kontrata si Tom sa ABS-CBN kaya hindi naging problema ang ginawa niyang pagpapaalam.
- Latest