Mga itinakwil ng ina: Heart at Gretchen hindi nag-celebrate ng Mother’s Day!
MANILA, Philippines - Siguradong malungkot ang Mother’s Day ni Heart Evangelista kahapon.
Gustuhin man siguro niyang puntahan ang ina at pasalamatan sa buhay na ibinigay sa kanya, siguradong hindi niya magawa matapos itong magpa-press release at ipinagsigawang nagli-live-in na sila ni Sen. Chiz Escudero. Bukod pa ito sa mga naunang sinabi ng kanyang mga magulang na makakasira sa kanya at sa karelasyong pulitiko.
Sino nga namang anak ang matutuwa na ang ina mo pa ang nagsisigaw sa buong bayan na nakikipag-live-in ka kung totoo ngang live-in partners na sila ng senador? Walang ina na gustong maging masama sa paningin ng buong Pilipinas ang kanilang anak ’di ba?
Nauna nang sinabi ng nanay ni Heart na kailangan ng aktres ng psychiatrist.
Last Friday night ay may nagpapa-press release na meÂron daw statement ang nanay ni Heart. Pero hindi na pinatulan ng iba, though may ilang pumatol.
Isa pang malungkot tiyak ang Mother’s Day ay si Gretchen Barretto. Pareho sila ng kapalaran ni Heart. Ipinagsisigawan ng kanilang mga nanay ang mga bagay na sana ay ang nanay nila ang nagpo-protekta.
Gustuhin man din siguro ni Gretchen na batiin ang ina at iparamdam ang pagmamahal, hindi niya siguro magawa dahil sa pagtatakwil nito sa kanya.
Kawawang Heart at Gretchen. Habang ang ibang mga artista tulad nina Luis Manzano, Ruffa Gutierrez, at marami pang iba ay maligaya sa buhay dahil sa kabaitan at pagiging mapagmahal ng kanilang mga dakilang ina.
Senatoriable ang hilig mangutang
Ang hilig-hilig daw palang mangutang ng isang senatoriable na hindi nakakapasok sa survey. As in lahat ng mga kilalang mabait at nagpapautang ay nalapitan na raw nito kasama ang isang dating presidente ng bansa.
Kaya nga maraming gulat na nakakaÂkilala sa senatoriable na panay ang pangaÂngampanya nito kahit alam na hindi siya mananalo.
Amazed sila kung saan nito kinukuha ang ginagastos sa kampanya. May nagsabing binigyan daw ito ng malaking datung ng isang actor kaya may ginagastos.
“Pero nakakalungkot lang, hindi siya mananalo,†paniniguro ng source.
Mother Lily nagpaplano na ng victory party sa mga inendorso
Ngayong araw na ang pinakahihintay na eleksiyon. Katulad nang paalala ng marami, gamitin ang utak natin. Alalahanin natin ang kinabukasan ng mga batang nagkalat sa kalsada at ang mga kawawang mga mahihirap na nagsisikap umasenso pero talagang hindi mausad dahil sa maliit na kinikita lang.
Siyempre naghihintay din ang showbiz sa magiging resulta dahil malaki ang naging participation ng maraÂming artista sa kampanya at siyemÂpre maraming artista ang kandidato at higit sa lahat si Mother Lily Monteverde na nag-endorso ng 13 senatoriables, sumobra sa kanyang iboboto kaya laglag ang isa sa mga ipina-presscon niya. Pero ibinilin naman niya sa anak na si Roselle Teo na iboto ’yung isa sa mga laglag sa listahan niya.
So, sino kaya sa mga inindorso niya ang laglag sa kanyang iboboto ngayong araw?
Nagpa-plano si Mother Lily na magpa-victory party sa mga mananalo sa kanyang 13 senatoriables na inindorso.
Anyway, ilan sa inaabangan ang panalo nina Aga Muhlach (congressman), Richard Gomez and Lucy Torres, Jolo Revilla, Christopher de Leon.
ABS-CBN gagamit ng augmented reality sa kanilang coverage
Handa na ang buong puwersa ng ABS-CBN para sa araw ng halalan ngayong Lunes (Mayo 13).
“Tuwing halalan, masusing ginagamit ng ABS-CBN ang lahat ng maaari nitong pakinabangan mula sa mga kagamitan, teknolohiya, reporters, at staff upang lalong mas mapalawig ang pagbibigay-serbisyo at kaalaman sa publiko. Maaaring nag-iiba at mas nagiging hi-tech ang ginagamit naming teknolohiya sa aming coverages ngunit mananatiÂling hindi magbabago ang aming pangako sa publiko na mailantad at masuri ang lahat ng anggulo ng botohan,†ayon kay Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN Integrated News and Current Affairs.
Nagtayo ang ABS-CBN ng Bayan Mo, iPatrol Mo (BMPM) stations sa iba’t ibang bahagi ng bansa na tutulong sa mga botante na nahihirapang hanapin ang kanilang presinto at may problema ukol sa botohan. Isasangguni naman ng Bayan Mo… team ang mga katanungang ito sa mga otorisadong mga grupo at ahensiya ng pamahalaan.
Tatanggap din sila sa mga magrereklamo ng mga iregularidad at suliranin sa halalan sa BMPM stations. Nagtayo rin sila ng first aid personnel na siyang magreresponde sa mga posibleng maging aksidente o emergency.
Nangako rin silang mangunguna sila sa pagbibigay ng pinakasariwang updates mula sa batikang mamamahayag na sina Kabayan Noli de Castro, Korina Sanchez, Ted Failon, Ces Drilon, Karen Davila, Julius Babao, Lynda Jumilla, Tony Velasquez, Anthony Taberna, Bernadette Sembrano, Pinky Webb, at Prof. Randy David na siyang maghahatid ng mga ulat, vote count, at malalimang aanalisa sa mga pangyayari mula sa higit 30 na live points sa buong bansa mula 5:00 a.m. ngayong Lunes hanggang sa tanghali ng Martes (Mayo 14).
Gagamit din ang ABS-CBN ng “augmented reaÂlity†para lalong maunawaan ng mga manonood ang mga ulat nito at ng interactive map para ipakita ang pinakahuling tala ng mga boto at impormasyon ukol sa mga kandidato sa iba’t ibang mga lugar.
Kabilang din sa Halalan 2013 coverage ng ABS-CBN ang mga mala-teleseryeng dokumentaryo nito sa KampanyaSerye na inilantad sa publiko ang drama sa likod ng mga pinakamaiinit na tunggalian sa mga lokal na posisyon, at ang live debates ng Harapan 2013 na nagbigay ng pagkakataon sa lahat ng senatorial candidates na ihayag ang kanilang mga pinaninindigan at plataporma.
Itatampok din nila ang finale ng KampanyaSerye kung saan babalikan ng mga reporter ng ABS-CBN ang mga banggaan sa pulitika sa mga lugar gaya ng Maynila, Masbate, Cavite, Cebu, at iba pa. Layunin nilang tawagin ang pansin ng mga mahahalal na kandidato at ipaalala sa kanila ang kanilang mga binitiwang pangako habang sila’y nangangamÂpanya.
Erap parang fiesta ang ginawang kampanya
Sa pagtatapos ng 43 araw na kampanya noong Sabado ng mga lokal na kandidato para sa Mayo 13 elections, tila naging malaki at masayang fiesta ang eksena sa lansangan na dinaanan ng motorcade at sa pagdalaw sa Tondo at Baseco ng Maynila ng tinaguriang Ama ng Masa na si Erap Estrada. Actually, pati ang mga maliliit na streets sa Port Area, Manila pinasok ng grupo ni Erap noong huling araw ng kampanya.
Si Erap ay isinilang sa Manuguit Maternity Hospital sa Tondo, Maynila. Si Isko Moreno naman ay nagkaisip at lumaki rin sa Tondo.
“Napakainit man ng sikat ng araw ngayong tanghaling tapat, dinaig ito ng inyong napakainit na pagsalubong sa akin. Maraming salamat,†sabi ni Erap sa kanyang press statement.
- Latest