Bimby may offer na pelikula para sa MMFF!
Ecstatic si Kris Aquino dahil any moment now ay may pag-uusap na magaganap between the All Media Queen at isang prodyuser ng pelikula na gustong kunin si Baby James o Bimby para pagawin ng movie intended for the Metro Manila Film Festival 2013.
Sinong nanay ang hindi ma-e-excite lalo’t sa murang gulang ay sumusunod na ang kanyang bunso sa kanyang yapak bilang artista? Who knows, when he becomes older, baka maging TV host din ito.
Sinabi ni Kris na magkasundo man sila sa kanilang pag-uusap ng movie producer at maging artista si Bimby ay tututukan niya ang anak sa shootÂing nito.
Kris tumangging makipaghalikan sa kapwa babae
Napag-uusapan na rin lang si Kris Aquino mabuti na lamang at napagpasyahan nitong tanggihan ang alok sa kanyang pelikula na kung saan ay magkakaroon siya ng kissing scene sa isang kapwa niya babae. Bukod dito kailangan pa rin niyang magpa-kalbo na kung talagang gagawin niya 100% ay magkakaroon siya ng problema sa shampoo commercial niya.
Ang nawalang pelikula ni Kris ay mapupunta naman kay Eugene Domingo na walang magiging problema sa mga nabanggit na eksena dahil kayang-kaya niya itong gawin.
Rica binalikan ang pag-arte
Sa kabila nang parang maaga niyang pagre-retiro sa pag-arte, nakumbinse ng Dos si Rica Peralejo na muling umarte sa Maalaala Mo kaya. Magkakaro’n siya ng isang Mother’s Day episode ngayong gabi. Gagampanan niya ang karakter ni Minda, isang batang ina na maagang naulila sa asawa. Dahil sa hirap ng buhay, napilitan si Minda na iwan ang kanyang apat na anak sa biyenan upang makapagtrabaho at makapag-ipon para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.
- Latest