‘Dapat Tama’
MANILA, Philippines - Kinikilala ng GMA Network ang kahalagahan ng pagiging handa ng mga boÂtante ngayong Eleksyon 2013 kaya naman patuloy nitong inihahatid sa publiko ang mga election-related na programa, serye ng elecÂtion advocacy ad, at music video na sumisentro sa temang Dapat Tama.
Kung may kantang sinasabayan ng marami ngayong panahon ng eleksyon, ito ay ang powerful anthem na Dapat Tama – na nilikha at inawit ng rapper na si Gloc-9 kasama ang singer na si Denise Barbacena. Ginawa ni Gloc-9 para sa GMA Network Eleksyon 2013 advocacy campaign, ipinaaalala ng kanta sa mga botante na ang kanilang pagboto ay may epekto sa bansa sa mga susunod na taon.
Gumawa rin ang GMA ng ilang bersiyon ng Dapat Tama music video – kabilang na ang isang bersiyon kung saan kasama ang news personalities na pinaÂnguÂngunahan ng GMA pillars na sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales, at Howie Severino.
Ilang linggo ring tinutukan ng mga manonood kapwa sa GMA at sa GMA News TV ang four-part series na Dapat Tama voter education ads na tumalakay sa corruption, cronyism, vote buying, at manipulasyon. At ngayong Biyernes, Mayo 10, ang seryeng binigyang-buhay ng mga aktor mula sa indie films at teaÂtro ay magwawakas na. Abangan kung ano nga ba ang naghihintay para sa mga mamamayan ng Amatapad at kung ano naman ang magiging kapalaran ng corrupt na opisyal na si Mayor Pastrana.
Kamakailan lang ay naglabas din ang GMA Network ng bagong bersyon ng awiting Bilog (Na Hugis Itlog) bilang pagpapa-alala sa mga botante ng mga dapat gawin sa automated election system. Pinangunahan ito ng mga komedÂyanteng sina Love Anover at Betong Sumaya.
Gamit ang kanta, drama, komedya at balita, patuloy na inihahatid ng GMA Network ang Dapat Tama advocacy campaign nito sa publiko – bilang bahagi ng pagbibigay nito ng Serbisyong Totoo ngayong Eleksyon 2013.
- Latest