^

PSN Showbiz

Carla tutulong para pumayat si Geoff

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Tila desperado na ang mga kalaban ni Alfred Vargas sa District 5 ng Quezon City dahil sa kung anu-anong maling impormasyon ang ikinakalat nila laban sa actor/politician.

Kamakalawa lang ay may isang diyaryo na naglabas na na-disqualify daw si Alfred.

Hindi lang nilinaw sa naturang balita kung ano ang dahilan, pero nagkopya ng marami ang mga kalaban sa pulitika, ginawa nilang leaflets at ikinalat sa kanilang distrito.

Kaya nililinaw ni Alfred na hindi siya disqualified at lalo pa nga itong luma­lakas sa mga botante.

Nagpapasalamat si Alfred sa mga kaibigan niya sa showbiz gaya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Diana Zubiri, Iza Calzado, Pauleen Luna, at marami pang supporters na all-out ang pangangampanya sa kanya.

PAK: Isa si Carla Abellana sa tumutulong ngayon kay Geoff Eigenmann na magpapayat dahil ang laki nga raw ang itinaba nito pagkatapos niyang magbakasyon sa Amerika.

Dati raw ay sumasama si Geoff kay Carla sa boxing, pero ngayon ay nagyu-yoga naman sila.

Mabuti na raw ‘yung sabay na silang magpapayat dahil pinaghahandaan din ng aktres ang susunod niyang drama series na kung saan makakasama niya si Dennis Trillo.

BOOM: Kahapon lang pala lumabas ng hospital, ang RnB princess na si Kyla pagkatapos niyang manganak via caesarian nung nakaraang Linggo, May 5.

Isang malusog na baby boy ang iniluwal ni Kyla na may timbang na 7.6lbs at pinangalanan nilang si Toby Elsiah.

Hindi pa puwedeng makapanayam si Kyla dahil nagpapagaling pa raw muna ito pagkatapos siyang operahan.

Congratulations sa mag-asawang Rich at Kyla Alvarez.

ALFRED VARGAS

CARLA ABELLANA

DENNIS TRILLO

DIANA ZUBIRI

DINGDONG DANTES

GEOFF EIGENMANN

IZA CALZADO

KYLA

KYLA ALVAREZ

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with