^

PSN Showbiz

Batang ina hinarap ang kinabukasan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Marami na ang nakakikilala kay Tintin Ng bilang isang artista na mahusay magpatawa.

Ngunit ang hindi alam ng mga tao, sa likod ng kaniyang bawat ngiti ay may itinatago siyang nakaraan na kay hapdi.

Ngayong Sabado, sa espesyal na pagtatanghal ng Magpakailanman para sa Mother’s Day, itatampok ni Ms. Mel Tiangco ang kuwento ng buhay ni Tintin Ng, isang batang ina.

Hinalay nang siya ay onse anyos, nabuntis nang siya ay twelve years old, at nanganak nang tumuntong sa mu­rang edad na trese. Pa­ano niya hinarap ang ma­dilim na kinabuka­san? At paano niya ito ni­lag­pasan para maging Tintin Ng na kilala natin ngayon?

Sa natatanging pagganap ni Krystal Reyes bilang Tintin, alamin kung paano hinarap ng isang batang ina ang mga pagsubok at dagok na dinala ng kapalaran sa kaniyang buhay.

Mula sa masusing direksiyon ni Maryo J. delos Reyes at mahusay na panulat ni Senedy Que, sundan ang tunay na kuwento ng buhay ni Tintin ngayong Sabado sa Magpakailanman – Batang Ina: The Tintin Ng Story, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

BATANG INA

DADDY KO

KRYSTAL REYES

MAGPAKAILANMAN

MARYO J

MS. MEL TIANGCO

NGAYONG SABADO

SENEDY QUE

TINTIN NG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with