^

PSN Showbiz

Anak ng character actress matindi ang tama sa aktres!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Parang wala nang magawa ang isang character actress (CA) na pigilan ang anak sa pakikipag-relas­yon sa isang magandang aktres (MA) dahil mukhang may relasyon na ang dalawa. Ang basehan namin ay ang nakitang pictures ni MA at anak ni CA na magka-holding hands at cheesy captions.

Nang una naming mabalitaan ang tungkol sa relasyon ni MA at ng anak ni CA, itinanong namin kay CA ang name ng anak dahil hindi pa namin alam that time. Obvious na nabigla si CA sa aming tanong at agad itinanggi ang relasyon ng anak kay MA. Friends lang daw ang dalawa, gayong kasasabi lang ni MA sa press na nag-a-“I love you” na sila ng anak ni CA.

Nang muling matanong si CA sa anak at kay MA, ang sabi, gusto lang niyang maging private ang relasyon ng dalawa. Pero malabong mangyari ito dahil sikat din naman si MA at kilala rin naman si CA.

Michelle walang planong layasan ang GMA

Naaliw kami kay Michelle Madrigal nang makausap sa taping ng Love and Lies, thankful ito na hindi muna pinatay ang karakter niyang si Cathy sa suspense serye at umaasang hanggang sa ending nito ay kasama pa rin ang karakter niya. Biggest break daw niya ito at ayaw na mabilis siyang mawala sa story.

Inintriga ito na halos pantay na ang role nila ni Bela Padilla gayong ang alam ng press, siya ang leading lady ni Richard Gutierrez. At hindi nga ba’t ipinalit lang si Bela kay Lovi Poe?

“Okay lang sa akin ‘yun. Sa lahat ng shows na ibinibigay sa akin, grateful ako. Wala sa akin ’yung billing o siya ang bida. Basta gagalingan ko para mapansin ako ng GMA Network ang performance ko, basta mabibigyan ko ng justice ang role ko, paliwanag ni Michelle.

Mukhang tuluy-tuloy na uli ang taping ni Michelle sa Love and Lies at involved ang karakter niya sa malaking twist ng story ng suspense serye pero ayaw niyang ikuwento para hindi ma-preempt ang story, basta abangan na lang daw.

Mag-i-expire ang kontrata ni Michelle sa GMA Network this year at sa daming nababalitang Kapuso talents na lilipat sa ibang network siya’y walang balak lumipat. Masaya siya sa GMA at hangga’t may contract at project, never siyang lilipat.

“Susulat pa ako kay Atty. Felipe Gozon para makiusap na ’wag akong paalisin sa GMA 7. Dito lang ako, may show ako rito,” sabi ni Michelle.

Mother Lily binigyan ng opisina si Grace Poe habang nangangampanya

Pababa kami galing sa penthouse ng Imperial Palace Suites after ng presscon ni Sen. Koko Pimentel na bigay ni Mother Lily Monteverde nang may makasabay kami sa elevator na staff ni senatoriable Grace Poe-Llamanzares. Akala namin may meeting kay Mother Lily si Grace, ’yun pala galing ang staff ni Grace sa office nila na ipinaga­gamit ng lady producer habang campaign period at baka hanggang maiproklama ang winners.

  Ibig sabihin, hindi lang ang ibinigay na presscon ang suporta ni Mother Lily sa kandidatura ni Grace, binigyan din niya ito at kanyang staff ng office na kanilang magagamit na nasa sentro ng Quezon City.

Ricky nasabik umarte

   Natupad ang matagal nang hinihingi ni Ricky Davao sa GMA 7 na bigyan siya ng acting project dahil nami-miss na niya ang umarte. Nagkasunud-sunod kasi ang directorial assignment nito, at ang pinakahuling dinerehe ay ang Afternoon Prime na Forever kaya sabik nang muling umarte.

This week, lalabas na ang karakter ni Ricky sa Home Sweet Home bilang si Manolo na galing din sa mahiwagang painting na naka-display sa lumang bahay. Tutulungan siya ng karakter ni Bea Binene na makalabas sa mundong pinasukan.

 

AFTERNOON PRIME

ANAK

BEA BINENE

BELA PADILLA

FELIPE GOZON

LANG

LOVE AND LIES

MICHELLE

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with