^

PSN Showbiz

Pati bloggers pinatitigil sa pagkakalat Marjorie at abogado nagpadala ng demand letter sa social networking sites para awatin ang photo scandal

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: May posibilidad naman daw na magkabalikan sina Sen. Koko Pimentel at ang asawa niyang dating beauty queen na si Jewel Mae Lobaton.

Kahit hindi gaano kaganda ang kanilang paghihiwalay, naging magkaibigan sila at ngayon ay mismong si Jewel Mae ang nangangampanya kay Sen. Koko sa Negros Occidental.

Nang tinanong namin kung may posibilidad nga ba silang magkabalikan, “Habang may buhay, may pag-asa,” mabilis na sagot sa amin ni Sen. Koko.

Ayon pa sa kanya, pag-uusapan nila ito ni Jewel Mae pagkatapos ng eleksiyon.

PAK: Nakasabay namin kahapon si Lovi Poe sa biyahe papuntang Naga dahil sasamahan daw niya ang Ate Grace Poe-Llamanzares niya sa panga­ngampanya.

Tinanong namin kung matutuloy na ba ang pirmahan ng renewal of contract niya sa GMA 7. “Soon,” napangiti niyang sagot sa amin.

Hindi niya kinumpirma sa amin kung sa GMA 7 siya pipirma pero magkakaroon daw ng pirmahan soon.

Sa ngayon ay abala lang muna siya sa pagtulong sa Ate Grace niya.

BOOM: Humarap si Marjorie Barretto sa showbiz media kahapon ng hapon kasama ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan, kaugnay sa kumalat na malaswang litrato na tinuturong si Marjorie raw ito.

Itinatanggi ito ni Marjorie at obviously, niretoke lang ito para palabasing siya iyon.

Pero sa ipinatawag na presscon kahapon, hindi nagsalita si Marjorie.

Si Atty. Kapunan ang nagsalita para sa kanya na nananawagan sa mga blogger at ilan pang nagda-download ng photo scandal na iyon ni Marjorie na tigilan na.

Nagpadala na sila ng demand letter sa bloggers, Twitter, Facebook, Ins­tagram, at iba pang social networking sites na huwag nang i-download ang naturang litrato dahil lalabag sila Rep. Act 9995, ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act 2009.

Malungkot si Marjorie na humarap sa media kahapon.

vuukle comment

ANTI-PHOTO AND VIDEO VOYEURISM ACT

ATE GRACE

ATE GRACE POE-LLAMANZARES

JEWEL MAE

JEWEL MAE LOBATON

KOKO PIMENTEL

LORNA KAPUNAN

LOVI POE

MARJORIE BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with