^

PSN Showbiz

Kris ‘bumigay’ kay Cong. Sonny!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasama na si Congressman Sonny Angara sa mga iniendorso ni Kris Aquino. Mismong si Cong. Angara ang nagkuwento nang maka-dinner namin siya the other night.

Pinuntahan pa siya sa bahay ni Kris para na rin sa taping for KrisTV.

Samantalang last week lang pala nagkausap si Kris at ang magandang wife ni Rep. Sonny na si Tootsy.

“Sonny’s one of my favorites. What I like about him, apart from his youth, is humility. When he speaks, you can really feel both the humility and sincerity. He also has outstanding credentials,” sabi ni Kris nang interbyuhin siya ng ABS-CBN.

Thankful si congressman dahil napaka-choosy nga naman ng kapatid ni Presidente Noynoy Aquino na last week lang sumali sa kampanya ng Team P-Noy na kinokontra pa ng ibang kampo.

Nauna nang sinabi ni Kris na hindi lahat nang kandidato ng kanyang kapatid na presidente ay ieendorso niya.

“Namimili naman talaga ako. Hindi ako pinilit ng presidente. I was allowed to choose who I really want to be all out for. Naniniwala siya that I’m intelligent enough to make my choices,” sabi ni Kris sa kanyang interview tungkol sa kongresista ng Baler, Quezon.

“Sonny’s also really one of my brother’s favorites. I remember Kuya Noy telling me that he saw something in Sonny during the impeachment trial – that he’s smart, hardworking, and trustworthy.”

Ikalima siya sa iniendorso ng presidential sister.

Bukod kay Kris, kasama sa nag-eendorso sa kanya si Coco Martin na apat na beses nang sumama sa kampanya sa probinsiya.

At klinaro uli niya na hindi siya nagbayad ng P35 million para ikampanya siya ng aktor.

Nagpapasalamat daw siya kay Coco dahil kahit puyat at pagod ito, minsan ay isinisingit nito ang pagsama sa kampanya.

Kuwento pa ni Cong. Sonny, kailangan nilang dumaan minsang kasama nila ito sa botika dahil sumama ang pakiramdam ng aktor at kailangan nitong bumili ng gamot.

Bukod kina Kris and Coco, isa ring malakas na endorser ng kongresista si Sen. Miriam Santiago na pinuntahan din nila sa bahay niya. Nang puntahan nila ay nag-shoot agad sila ng commercial. And take 1 lang pala ‘yun kasi kabado na silang mag-take 2.

“Pawis na pawis ako noon. Lalo na nang banggitin niya ‘yung sex appeal, na-diyahe ako,” sabi ng kongresista.

Anyway, nalibot na pala halos ni Cong. Sonny ang buong Pilipinas sa 90 days na kampanya na magtatapos na Sabado bilang botohan na sa Lunes, May 13.

“Siguro aabot sa seventy to seventy five provinces ang napuntahan. Lahat ng regions pero hindi lahat ng probinsiya,” sabi niya.

“Mapagod. Parang ayaw mo na uling ulitin.”

Simula raw nang mangampanya siya, limang oras lang ang naging tulog niya at hindi na siya nakapag-exercise.

At imbes na pumayat, tumaba siya: “Stress eating.”

At sa panahon ng kampanya hindi siya nagpahinga kasama ang kanyang asawang lagi niyang nasa tabi, si Tootsy.

Ex manager ni Marian gustong I-handle si Karylle

Naghahanap daw ng bagong manager si Karylle. At nagbo-volunteer daw na mag-handle sa kanya ang dating manager ni Marian Rivera na si Popoy Caritativo.

So, siyempre alam na nating lahat ang konek ni Marian at ni Karylle siyempre, si Ding­dong Dantes.

Napag-usapan daw ito sa ginanap na meeting ng PAMI, ang organisasyon ng mga talent managers.

Although nagbibiro lang naman daw si Popoy pero may mga nag-react na agad.

                                                                                                                     

 

 

BUKOD

COCO MARTIN

CONGRESSMAN SONNY ANGARA

KARYLLE

KRIS

KRIS AND COCO

NANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with