Kakaibang girl power tampok sa Sine Ko 5ingko
MANILA, Philippines - Bago ipagdiwang ang Mother’s Day sa daraÂting na Linggo (ika-12 ng Mayo), tampok sa Sine Ko 5ingko ng TV5 ang tatlong Hollywood blockbusters na pinagbibidahan ng mga pinakahinaÂhangaang actresses sa buong mundo. Kasabay ito ng pagsisimula ng bagong pampamilyang fantaÂserye ng Kapatid Network, ang Cassandra: Warrior Angel. Ngayong Lunes, Martes, at HuÂwebes, mapapanood ang kakaibang level ng girl power tuwing 7:45 ng gabi.
Napanood kahapon Lunes si Angelina Jolie sa Lara Croft: Tomb Raider kung saan kasama niya sa adventure ang kasalukuÂyang gumaganap na James Bond na si DaÂniel Craig at ang ama nitong si Jon Voight. Ngayong Martes naman (May 7), mapapanood sa Sine Ko 5ingko ang Charlie’s Angels, na hango sa kilalang American TV show noong 1970s. Samahan sina Drew Barrymore, Cameron Diaz, at Lucy Liu na makakaharap ang isang computer genius na gustong saktan ang kanilang boss na si Charlie.
Mapapanood naman ang mga exciting games ng PBA sa TV5 sa Miyerkules at Biyernes ng gabi. Sa Huwebes (May 9), tunghayan kung paano matatagumpayan ng Oscar® winner na si Natalie Portman ang corrupt nilang pamahalaan sa futuÂristic movie na V for Vendetta.
Sa mga handog na movies ng Kapatid Network, libre nang mapapanood ang mga certified Hollywood hits na tiyak kaaaliwan ng buong pamilya.
- Latest