Magaling at may edad na aktor, galit sa madalas kaeksenang mas batang aktor
Nagulat naman kami sa tsikang galit ang isang magaling at may edad ng aktor sa mas bata sa kanyang aktor na kasama sa isang soap. Mahirap ito sa dalawa dahil karamihan sa kanilang mga eksena ay magkasama sila, mabuti na lang at pareho silang professional at ‘pag nasa harap na ng camera, kinakalimutan ang conflict at todo acting.
Kapag kinailangang mag-usap at magtawanan sa eksena, ginagawa nila, the moment na tapos na ang eksena, dedmahan na naman ang dalawa. Kilalang mabait at pasensyoso ang magaling at may edad ng aktor at kilala ring mabait at tahimik ang mas batang aktor, ano kaya ang rason nang iringan ng dalawang aktor?
Hindi ang magaling at may edad ng aktor ang unang aktor na nakabanggaan ng mas batang aktor sa cast ng soap, may nauna ng dalawang co-stars niya na hindi naÂtuwa dahil minsan, tinototoo ang mga eksena. Mabuti na lang at hindi naaapektuhan ang acting ng cast ganitong may iringan ang iba sa kanila.
Pamalit sa Love and Lies, sisimulan na
Ngayong Martes malalaman kung sino ang director ng My Husband’s Lover, ang bagong telebabad soap ng GMA 7 na bida sina Dennis Trillo at Carla Abellana. Ang dalawa pa lang ang kumpirmado sa cast dahil ‘yung iba, pinipili pa.
Kapag nakumpleto na ang cast, magsisimula na ang taping ng My Husband’s Lover dahil ito ang ipapalit sa Love and Lies na nine weeks lang tatakbo at nasa third week na yata ngayon.
Direktor na US based, gustong sumubok sa mainstream
Showing na bukas, May 8, ang indie film na In NoÂmine Matris, kilala na ang cast nito, pero konti pa lang ang alam kay direk Will Fredo dahil cameÂra shy ito. Kapag gustong interbyuhin, saÂsaÂbihing ang cast na lang na kinabibiÂlaÂÂngan nina Liza Diῆo, Al GatmaiÂtan, Tami Monson at Biboy Ramirez na lang kausapin at ‘wag na siya.
Si direk Will din ang director ng indie film na Compound at The CaregiÂver, pero ang In Nomine Matris lang ang magÂkaÂÂkaroon ng commercial run. MaÂpaÂpaÂnood ang movie hanggang May 14 sa SM MeÂgamall, SM North Edsa, SM MaÂrikina, SM Manila, SM Fairview, SM Southmall, Robinsons Galleria at Robinsons MetroEast.
Lahat ng kasama sa cast nag-audition pati ang magaling at kilalang Flamenco dancer na si Clara Ramona kahit isa siyang accomplished flamenco dancer sa Spain at Asia. Siya ang nagturo kay Cong. Lucy Torres-Gomez ng Flamenco.
Isa sa ikinaganda ng movie ay ang fusion ng Flamenco at Filipiniana sa isang dance number, kung saan 30 dancers trained by Ms. Clara for three months bago simulan ang shooting. Isa ito sa mga highlight ng movie at tatatak sa moviegoers.
US based si direk Will at pabalik-balik lang ng bansa. Gusto nitong makapagdirek ng mainstream movie o teleserye sa isang network. Paging ABS-CBN, TV5 and GMA 7!
Mother Lily binawi ang sinabing gusto si Trillanes, mas gusto pala niya si Sen. Manny
Si Mother Lily ang inaabangan ng press tuwing may pinapa-pressÂcon na senatoriable dahil nag-i-effort siyang magbihis. Iba-iba ang ayos at dating ni Mother Lily every time may presscon at naÂtutuÂwa ang press sa kanya dahil she’s back sa kanyang kakikayan days.
Natawa lang ang press dahil sa presscon ni Mrs. Cynthia Villar, kung saan sinamahan ni Sen. Manny Villar, binawi ni Mother Lily ang sinabi sa presscon ni Sen. Antonio Trillanes na gusto niyang pakasalan siya ng senador. Pangalawa na lang daw si Sen. TrillaÂnes sa choice niya dahil number one na si Sen. Manny. Hahaha!
Isa pang ipinag-i-enjoy ng press sa pa-presscon ni Mother Lily ay ang inihahain na pan de coco at iba pang tinapay na mabibili sa mga ordinaryong bakeries.
- Latest