^

PSN Showbiz

Ang bottomline ng lahat: Marjorie dahilan ng giyera sa pamilya Barretto, biktima ng inggit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

In all fairness to Gretchen Barretto, wala siyang sinabi na nega laban sa kanyang ina at mga kapatid sa very short interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz noong Linggo.

Basta ang sabi niya, “Hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi madali ‘yung pinag-uusapan ka ng buong Pilipinas. Hindi madaling pa­kinggan ‘yung pinagdaanan ko, ‘yung childhood ko. Away-pamilya ito, Boy, hindi dapat isapubliko. It took so long for me to learn so many things. I learned this week that a tight embrace means the world to me. I learned that marami pa palang nagmamahal sa akin. I also learned that life is not perfect and I can’t have everything. Boy, ayokong magsalita.

 â€œDominique, my daughter knows my story. Many years from now lilingunin niya itong nangyari sa akin. Maalala ni Dominique na ‘My mom never fought’ and that’s what’s important to me. Boy. ‘Yan ang importante. That’s what I want to leave behind.”

Tiyak na nakarating o baka pinanood ni Mrs. Inday Barretto ang pagsasalita ni Gretchen sa The Buzz.

Ewan lang natin kung magpapadala uli si Mrs. Barretto ng sulat kay Papa Ricky Lo bilang sagot niya sa mga sinabi sa TV ng kanyang itinakwil na anak.

Kung sasagutin pa ni Mrs. Barretto ang mga pahayag ni Gretchen baka siya na ang maging negative sa paningin ng mga tao dahil ni minsan ay walang sinabing masama si Gretchen mula nang ma-publish ang kanyang unang sulat, in defense of Claudine Barretto.

Sa totoo lang, biktimang-biktima sa Barretto family feud si Marjorie na nananahimik pero siya ang talagang puntirya ng naninira sa kanilang pamilya.

Ubod ng sama ng tao na naglalabas ng mga pribadong litrato ni Marjorie. Talagang pinag-aaksyahan niya ng panahon si Marjorie na walang kasalanan kundi ang magkaroon ng magaganda at guwapong anak.

Malinaw na matinding inggit ang nararamdaman at wala sa katinuan ang utak ng detractor(s) ni Marjorie.

Hindi bale mabilis naman ang karma. Malay natin, baka nakakarma na ang tao na inggit na inggit kay Marjorie.

Marion out na sa PhilPop Music Fest

Out na si Marion Aunor sa 2013 PhilPop Music Festival dahil sa mga personal na dahilan. Pasok naman sa Top 12 ng PhilPop si Kennard Faraon dahil siya ang replacement sa pamangkin ni Nora Aunor.

Sina Paul Armesin, Marlon Barnuevo, Jungee Marcelo, Johnoy Danao, Raffy Calicdan, Gani Brown, Myrus Apacible, Adrienne Sarmiento-Buenaventura, Lara Maigue, Joey Ayala, Kennard Faraon, at ang tandem nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana ang maglalaban sa 2013 PhilPop Music Fest. 

Isang milyong piso ang premyo na mapapanalunan ng grand winner sa prestigious music fest na project ni PLDT and TV5 big boss Manny V. Pangilinan.

ADRIENNE SARMIENTO-BUENAVENTURA

BOY ABUNDA

CLAUDINE BARRETTO

GANI BROWN

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

KENNARD FARAON

MRS. BARRETTO

MUSIC FEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with