^

PSN Showbiz

Martin Escudero sumunod sa yapak ni Marian, lumayas na sa manager

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko puwedeng i-share sa readers ang mga napag-usapan namin sa meeting ng PAMI noong Huwebes dahil confidential ‘yon.

Dalawa lang ang puwede kong kumpirmahin, naka-move on na ang talent manager na si Popoy Caritativo sa paghihiwalay nila ni Marian Rivera at wala na sa kanyang poder si Martin Escudero na itinuring niya na parang sariling kapatid at anak.

Kahit walang kasalanan, Congw. Villar nag-sorry sa mga nurse

Kahit walang kasalanan si Mrs. Cynthia Villar, humingi pa rin siya ng paumanhin sa mga nurse na na-offend at overacting ang reaksiyon sa mga sinabi niya tungkol sa nurses sa isang TV guesting.

Lumalabas na ngayon ang the truth and nothing but. Misqouted si Mama Cynthia at edited ang kanyang statement kaya naging kontrabida siya sa paningin ng Filipino nurses na nag-react agad at hindi muna inalam ang puno’tdulo ng kuwento.

Dapat din na mag-sorry ang mga bumatikos kay Mrs. Villar dahil sa pag­huhusga na ginawa nila. On second thought, may advantage ang nangyari dahil nalantad ang katotohanan na matagal nang tumutulong sina Senator Manny Villar at Mrs. Villar sa Pinoy nurses.

Papa Manny babu na sa pulitika

Ang mga bag, basket, sapatos, at mga house decor na gawa sa water lily ang isa sa mga livelihood project ni Mama Cynthia.

Nagkaroon ng hanap-buhay na disente mula sa water lily ang mga tinutulungan ni Mama Cynthia.

Ang gaganda ng mga water lily container at basket na ipinamigay ni Mama Cynthia sa presscon noong Biyernes. Si Mother Lily Monteverde ang sponsor ng presscon dahil naniniwala siya na may karapatan na mahalal sa senado ang misis ni Papa Manny.

Payag ba naman si Mother Lily na i-endorse ang mga water lily product na ipino-promote ni Mama Cynthia? Why not?  Malakas na halakhak ang sagot ni Mother. Basta makakatulong sa mga kababayan natin, payag siya na maging endorser ng water lily products.

Hindi na nakita ng publiko si Camille Villar mula nang magpaalam siya bilang co-host ng Wil Time Bigtime.

Naka-focus na kasi ang atensyon ni Camille sa pag-aaral niya sa Barcelona, Spain. Nagbitaw ng pangako si Camille sa kanyang mga magulang na tatapusin niya ang MBA studies.

Kapag maluwag ang kanyang schedule, umuuwi sa Pilipinas si Camille dahil sinasamahan niya sa pangangampanya si Mama Cynthia.

Nag-shoot na rin siya ng TV commercial para sa kanyang mahal na ina.

Hindi pinagbabawalan nina Papa Manny at Mama Cynthia na bumalik sa showbiz si Camille. Gusto lang nila na makatapos ng pag-aaral si Camille dahil magagamit nito sa pag-aasikaso sa kanilang mga negosyo ang mga natutunan sa Barcelona.

Goodbye politics si Papa Manny dahil magiging private citizen na siya, simula sa July 1. Ang sabi ni Papa Manny, iuukol niya ang kanyang panahon sa Villar Foundation at sa pamamahala sa kanilang mga business. Sa madaling salita, tuloy ang pagtulong niya sa kapwa, kahit hindi na siya senador.

CAMILLE

CAMILLE VILLAR

CYNTHIA

DAHIL

KAHIT

MAMA CYNTHIA

MRS. VILLAR

PAPA MANNY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with