^

PSN Showbiz

Tanya Montenegro tinawag na ipis ni Inday Barretto !

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Maganda ang ipinakitang performance sa rating ng Home Sweet Home nina Raymart Santiago at Jillian Ward dahil consistent itong mataas ang rating hindi lang Mega-Manila kundi pati sa Urban Luzon.

Inaasahang lalo pa itong tataas dahil sa kapana-panabik na adventure ng mag-amang Reden (Raymart) at Jessie (Jillian) nang pinasok na nila ang lumang bahay.

PAK: Naglabas pa rin ng sama ng loob si Jackie Forster sa kanyang Instagram nang nabasa nito sa isang Internet site ang isang article tungkol sa mag-amang Benjie at Andre Paras.

Lumipat ng UP si Andre bilang varsity player  dahil gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang ama na galing din sa UP.

Nabanggit doon sa article na dinadalaw at binabantayan ng kanyang magulang na ang tinutukoy ay si Benjie at ang asawa nitong si Lyxene.       

Doon nagsintir si Jackie dahil siya pa rin daw ang ina ni Andre at ni Kobe at hindi raw niya ito binigay sa mag-asawang Benjie at Lyxene.

Bahagi ng ipinost sa kanyang Instagram; “I never gave up or abandoned my children. Get it right.

 â€œMy rights as a mother were taken from me. Simple as that.”

Nasa Amerika pa si Benjie, pero ipinarating na rin namin ito sa kanya, kaya lang ayaw na niyang patulan.

Malaki na raw ang kanilang anak at kaya na nilang magdesisyon kung gusto nilang makita o  makasama ang kanilang ina.

Hindi na raw niya kayang pigilan ang mga ito. Pero may paglilinaw pa rin ang Startalk kaugnay sa isyung ito.

Abangan mamaya sa Startalk ang mas malinaw na paliwanag kung bakit umabot sa ganitong gulo ang namagitan kina Jackie at kina Benjie para sa kanilang anak.

BOOM: Ayaw na ring palakihin pa ni Mrs. Inday Barretto ang gulo sa kanilang pamilya. Kaya nagpadala ito ng huling statement niya kay Kuya Ricky Lo na inilabas niya sa kanyang column sa Phil. Star at mapapanood din sa kanyang segment sa Startalk.

Sabi pa ni Mrs. Barretto, hindi naman daw ito world war 3 na kailangang tutukan nang husto at sakyan pa ng ibang tao.

Mas gusto na raw niyang manahimik at kung aabot ito sa demandahan, hindi pa raw niya masasagot sa ngayon. Pero ayaw na raw ng abogado niya na magsalita pa siya nang magsalita dahil hindi na raw makakatulong sa kanilang pananahimik.

Nang nakausap namin si Mrs. Barretto, nakiusap ito sa aming huwag na siyang piliting magsalita o mag-follow up pa ng interviews dahil lalo raw siyang na-stress.

Pero hindi namin makalimutan nang tinawag niyang “ipis” si Tanya Montenegro na ipinagtataka niyang nakisawsaw pa raw ito sa gulo nilang pamilya.

vuukle comment

ANDRE PARAS

BENJIE

HOME SWEET HOME

MRS. BARRETTO

PERO

RAW

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with