^

PSN Showbiz

Misis biglang nabuntis sa Mangostana!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Noong isang tao’y ginanap ang FilHair event na Hair and Make Up Trends 2012.  Abangan ang Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh sa GMA News TV ngayong Sabado alas nuwebe hanggang alas diyes ng umaga dahil bibisitahin ni Mader ang mga winners para alamin kung anu-anong pagbabago at kaunlaran sa kani-kanilang parlor ang naganap matapos ang paligsahan.

May interbyu rin si Mader RR sa isang franchisee ng Ricky Superstyle Colour Salon. Feel ng ginang ang malaking tulong na nagawa sa kanya ng franchise na ‘yon at kanya itong ibabahagi sa manonood ng GRR-TNT.

Magandang balita rin sa mga misis na ‘di magkaroon ng anak. Isang ginang na matagal nang ‘di nagkakaanak ang sumubok ng MX3 capsule, coffee at tea na ngayo’y malapit nang magsilang at malaki ang pasasalamat sa food supplement na galing sa katas ng Mangostana mula sa Davao. “Akala namin ng asawa ko’y isa sa amin ang may diperensiya pero nang magpatingin kami’y ‘di naman daw kami baog.  Kaya, naisip namin ang MX3 na madalas na­ming mapanood sa show ni Mader,” testimoniya ng ginang.

Sa hiling naman ng mga bakasyonista ng Golden Sunset Resort Hotel and Spa ay may re­gular nang araw na magtatanghal doon ang mga impersonators na Divadings. Bongga, ka­si, ang grupong ito kahit saan sila magtanghal.

Lahat ng ito at marami pang iba sa GRR-TNT prodyus ng ScriptoVision.

ABANGAN

BONGGA

DAVAO

GANDANG RICKY REYES

GOLDEN SUNSET RESORT HOTEL AND SPA

HAIR AND MAKE UP TRENDS

MADER

RICKY SUPERSTYLE COLOUR SALON

TODO NA TOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with