^

PSN Showbiz

Susan Roces at Amalia Fuentes, babalik bilang magkaribal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magbabalik ang pagiging magkaribal ng ‘60s movie queens na sina Susan Roces at Amalia Fuentes sa inaabangang Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Muling Buksan Ang Puso.

Matapos ang huling pelikula nina Susan at Amalia na Cover Girls noong 1968, kinapapanabikan na ng buong sambayanan ang tapatan ng galing sa pag-arte ng dalawang beteranang aktres sa kanilang pagbabalik- teleserye kung saan makakasama nila sina Julia Montes at Enrique Gil.

Taliwas sa kanilang pagiging magkaibigan sa tunay na buhay, sinabi ni Amalia na siya ang gaganap na kontrabida sa buhay ni Susan sa Muling Buksan Ang Puso dahil sa kanilang pag-aaway para sa karakter na gagampanan ni Dante Rivero.

Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Manny Palo at Nuel Crisostomo Naval.

Heard na matagal nang gustong magbalik sa pag-arte si Amalia.

Mga artista ng GMA pinarangalan ng Golden Screen Awards

Nakaiskor na naman ng mga parangal ang mga bigating artista ng Kapuso sa 2013 Golden Screen Awards for Movies noong Abril 27 na ginanap sa Teatrino in Greenhills, San Juan.

Isa sa biggest winner ng gabing iyon ay si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid na nakakuha ng  Best Performance by an Actress in a Leading Role Award for Comedy para sa pelikula niyang All The Things noong taong 2012.

Napanalunan naman ng beteranang aktres at TV director na si Gina Alajar ang Best Perfor­­m­a­nce­ by an Actress in a Leading Role Award for Drama para sa independent film na Mater Dolorosa. Si Director Gina ang nagdidirek ngayon ng afternoon Prime Drama na Unforgettable.

Napanalunan naman ng sumisikat na si Kristoffer Martin ang una niyang malaking award bilang Best Performance by an Actor in a Supporting Role para sa Oros. Bukod sa pagiging mainstay sa Party Pilipinas ay lumalabas din si Kristoffer sa Kakambal ni Eliana.

Iniuwi naman ni Sef Cadayona ang award na  Breakthrough Performance by an Actor para sa  kanyang indie movie na Gayak. Isa si Sef sa home-grown talent ng GMA 7 at kasama siya sa Sayaw Pilipinas crew ng Party Pilipinas, Bubble Gang, at sa family sitcom na Vampire Ang Daddy Ko.

Kabilang sa mala­laking karangalang napanalunan ng creative director for drama ng GMA Network na si Jun Lana ang Best Director, Best Story at Best Original Screenplay para sa kanyang 2012 indie film na Bwakaw. Isinulat at idinirehe ni Lana ang Bwakaw na kinilala sa mundo lalo na sa mga major international film festivals.

Apat na personalidad ng Kapuso na sina Eugene Domingo, Sid Lucero, Dennis Trillo, at Antonio Tuviera ang pinarangalan bilang Enpress Golden Screen Dekada Awardees. Ang Dekada Awards ay ipinagkakaloob sa sino mang nagtamo ng dalawang Golden Screen trophies sa nagdaang dekada.

Vice gigisahin ni Martin

Isang addicting na episode ang ihahatid ni Martin Nievera ngayong Biyernes (Mayo 3) sa espesyal na pagbisita sa Martin Late @ Night ng Unkabogable box-office star na si Vice Ganda. Tiyak na mas magiging kapana-panabik ang gabi sa paggigisa ni Martin kay Vice kaugnay ng kanyang mga bisyo tulad ng fashion, sports at boys.

Ano nga ba ang meron sa basketball at bakit ito kinahuhumalingan ni Vice? Pagdating sa pag-ibig, ano nga ba ang pinakamatinding sakripisyo na ginawa ni Vice para sa tao na kanyang minamahal?

Samantala, tiyak na maaadik din naman ang lahat sa pagsasayaw ni Martin ng sikat na dance craze ni Vice na Karakaraka.

Huwag palampasin ang Martin Late @ Night, tuwing Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Bandila.

Magtampo pa kaya si Martin ngayong may press release na ang kayang programa?

Maaalalang, noong mga nakaraang araw ay todo-emote si Martin sa kanyang Twitter account kaugnay sa pagtatapos ng kanyang programa. Pero bumawi rin naman siya. Hindi raw naman siya nag-e-emote, malungkot lang daw siya sa pagtatapos ng kanyang programa.

 

 

vuukle comment

ALL THE THINGS

AMALIA

BEST PERFORMANCE

GOLDEN SCREEN AWARDS

LEADING ROLE AWARD

MARTIN

MARTIN LATE

MULING BUKSAN ANG PUSO

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with