Giyera nang magkakapatid na Barretto patindi nang patindi, madlang pipol tinatabangan na!
MANILA, Philippines - Tinatabangan na ang tao sa giyera ng pamilya Barretto. Ang reaksiyon ng mahihilig sa showbiz, tantanan nila ang bangayan. Magpapamilya sila at dapat silang nagkakasundo. Unless magsalita raw si Claudine.
Ang payo pa nila, bakit hindi sila tumulad sa ina nina Cristine Reyes at Ara Mina na hindi nagpa-interview kahit nagkagulu-gulo ang kanyang dalawang anak.
At habang abala ang kapatid na lalaki, Jay-Jay at sister nilang si Guia sa pagsasagutan at paglaladlad sa publiko ng kanilang mga problema, abala naman si Gretchen kasama si Marjorie at mga kaibigan sa pagzu-Zumba at pag-Anti Gravity. Parang wala naman siyang iniindang problema.
Nakapulot kay Grace Poe nakipagkita kay Susan Roces
Sobrang nakaka-touch ang kuwento ni Tita Dolor Guevarra tungkol sa pagkikita nina Susan Roces at nang babaeng nakapulot noon kay Grace Poe sa simbahan sa Iloilo.
Nangyari lang ang pagkikita ng dalawa last week sa Iloilo.
Ayon sa kuwento ni Tita Dolor, nasa Iloilo ang beteranang aktres para sa kampanya ni Grace nang may kumausap sa kanyang pari na may gustong makipag-usap sa kanya. Importante at kung puwedeng tawagan niya ang nasabing babae na nagngangalang Sayong. Dahil sa maÂtinding pakiusap ng pari, napapayag ang Reyna ng Pelikula na magpalipas ng gabi sa Iloilo para magkita sila ni Sayong.
Hanggang dumating na ang kinabukasan at nagkita nga sila.
Si Sayong pala ang babaeng nakapulot noon kay Grace sa simbahan ng Jaro, Iloilo.
Siya ang nakakuha sa bata sa may bendetaÂhan na dinala sa pari at saka ipinagamot.
Pero dahil marami na siyang (Sayong) anak, nagdesisyon ito na ibigay sa iba ang bata na ang nabigyan naman ay sina FPJ at Susan Roces sa napulot na bata.
Sa Canada na raw nakabase si Sayong at umuÂwi lang siya ng bansa dahil ikakasal ang anak na nasa bansa.
Pagkatapos magkita nina Susan at Sayong, sinabihan ni Tita Susan si Grace na nasa Iloilo din that time na puntahan ang babaeng nagmagandang loob na kunin siya nang iwanan siya ng kanyang ina sa simbahan.
“Sobrang nakaka-touch ang kuwento ni Susan, nakakakilabot,†sabi ni tita Dolor.
‘Yun ang unang pagkakataon na nagkita-kita sila.
Eighty five years old na raw sa kasalukuyan si Sayong.
Pero wala pa rin silang nakuhang kahit anong impormasyon sa totoong mga magulang ni Grace.
Never na naging isyu sa simula’t simula ang paÂgiging ampon ni Grace dahil alam ng lahat na minahal siya ni FPJ ng higit pa sa isang anak.
Alam nila Tita Dolor na si FPJ pa noon ang nagpapalit ng diaper ni Grace.
Malakas ang laban sa pagka-senador ni Grace sa kasalukuyan.
EK naglabas ng sariling album
Ang Viva Video na ang distributor ng musical CD ng Enchanted Kingdom na I Love EK : The Music of Enchanted Kingdom.
Yup naglabas ng musical CD ang EK laman ang theme songs ng nangungunang theme park sa ‘Pinas. Naglalaman ito ng 10 tracks featuring the songs ng mga sikat na composers ng bansa na sila Louie Ocampo, Tats Faustino, Gary Valenciano, and Ryan Cayabyab.
Binubuo ito ng mga kantang full of inspiration, love and happiness kaya hindi lang puwede sa bata kundi puwede rin sa mga adult na.
Mararamdaman daw sa mga kanta ang positivity at wonders of the world.
Kasama sa album ang I Love EK, It’s A Wonderful World, I Dream, I Can , Coconut Nut, Happiness, Magic Enchanted Kingdom, You Got the Power, Everyday, Enchated Kingdom, at carrier single ng album na My Only You, composed by Nico Faustino, arranged by Tats Faustino and performed by Cissy Faustino.
Mabibili ang album sa 138 outlet ng Viva Video na magdi-distribute ng CD sa buong bansa. Mabibili rin ito sa Astroplus, Viva Video Kioks, Landmark, O Music & Video and Odyssey sa halagang P250.
Every purchase ng CD magÂkakaroon kayo ng P20% discount coupon na puwedeng gamitin sa front gate ticket booth.
Julie Ann may major concert na!
Magkakaroon pala ng first major concert ang Kapuso singer na si Julie Ann San Jose titled Julie Ann: It’s My Time, on May 11, 2013, Saturday, 8:00 PM at the Music Museum.
Ito ang kauna-unahang concert ni Julie Ann pagkatapos mag-triple platinum ang kanyang album at celebration na rin ng kanyang 19th birthday.
Julie Anne will perform a mix of new versions of online pop favorites, hip-hop duets, top picks from Party Pilipinas musicals, OPM classics and her own chart-topping singles.
For Julie Ann: It’s My Time tickets, please call Music Museum at 721-0635 or 721-6726.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng isyu kina Julie Ann at ka-love team niyang si Elmo Magalona nang umano’y laitin nila ang style ng pagkanta ni Daniel Padilla na minani lang ang Araneta ColiÂseum nang mag-concert three days ago.
Aktres binantaang papatayin ang ‘anak-anakan’
Ilang araw na lang at tapos na ang eleksiyon kaya malamang na tuluyan nang sumingaw ang away ng aktres at ng kanyang mga ‘anak-anakan.’
Usap-usapan na kasi ang matinding away ng aktres sa kanyang mga ‘anak-anakan’ na umabot sa isang matinding komprontasyon sa lobby ng isang condo building.
May hawak daw na video ang ‘anak-anakan’ ng aktres na nag-umpisa sa talakan, sumbatan, at laitan. Pero ang hindi raw kinaya ng isa sa mga ‘anak-anakan’ ng aktres ay nang sabihan siya ng aktres na ‘papatayin kita.’ Shocked na shocked daw ang ‘anak-anakan’ sa dialogue ng aktres.
Buti na lang daw at may hawak silang video na gagawin nilang ebidensiya sakaling isiwalat nila sa publiko ang kanilang galit sa aktres.
Umiiyak pa ang ‘anak-anakan’ nang ikuwento ang ginawa sa kanila ng aktres.
- Latest