^

PSN Showbiz

Eula lilipad na!

Lani B. Mate - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pinakamalaki at pinaka-engrandeng fantaserye ay mapapanood na ngayong Mayo sa pagsisimula ng Cassandra: Warrior Angel. Ang bagong pampamilyang fantaserye ng TV5 ay pinagbibidahan ng ilan sa mga batikang actor ng bansa kasama na rito sina Gabby Concepcion, Eula Valdez, JC de Vera at ang angel of drama ng TV5 na si Eula Caballero bilang si Cassandra.

 Tungkol sa isang pamilyang pinaghiwalay ng tadhana ang kuwento ng nasabing serye. Tiyak na susubaybayan ng lahat ang nakaaantig nitong kuwento na puno ng pag-asa at pag-ibig. Simula May 6 (Monday), gabi-gabi nang makakasama si Cassandra, ang bagong superhero na mamahalin ng bayan. Tulad nang ginagawa sa mga palabas sa U.S., ipinapanood ng TV5 sa test audience ang bago nitong serye. Ilang grupo ng viewers ng iba’t ibang networks ang nanood. Nagustuhan nila ito at binigyan ito ng 9 out of 10 na score.

 â€œI hope everyone will give Cassandra: Warrior Angel the same support they gave Kidlat and Enchanted Garden,” saad ng bida nitong si Eula Caballero. “We worked really hard for this and confident naman kami na maganda ang kalalabasan ng Cassandra. Sigurado kaming magugustuhan ‘to ng buong pamilya.”

 Sa pamumuno ng mga beterong direktor na sina Argel  Joseph, Benedict Mique, at Eric Quizon, makakasama rin sa seryeng ito sina Alwyn Uytingco, Victor Silayan, Albie Casino, Josh Stangeland, Art Acuña, William Martinez, Mercedes Cabral, Rocky Salumbides, Vangie Labalan, Mon Confiado, Joaqui Tupaz, Jopay Paguia, Chris Martinez, Biboy Ramirez, Helga Krapf, Dianne Medina, Noel Urbano, at Pen Medina.

Sundan ang kuwento ni Cassandra: Warrior Angel simula May 6, 7:00PM sa TV5.

                                                                                               

 

ALBIE CASINO

ALWYN UYTINGCO

ART ACU

BENEDICT MIQUE

BIBOY RAMIREZ

CHRIS MARTINEZ

DIANNE MEDINA

EULA CABALLERO

WARRIOR ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with