^

PSN Showbiz

Indie film na kabi-kabila ang mga nominasyon,ipapalabas na sa mga sinehan

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Unang ginulat ng indie film na In Nomine Matris ang kamalayan ng mga tagasubaybay ng pelikulang Pilipino nang manalo sa isang international awards giving body ang bidang babae nito na si Lisa Dino.

Nagpi-presscon pa lamang ito para sa nakatakdang pagpapalabas nito sa mga sinehan sa Mayo 8 nang dumating ang isang entertainment editor ng isang broadcast mula sa isang naunang papresscon ng Urian na nagbibigay din ng pagkilala sa mga pelikulang lokal at  nakasaad sa dala niyang listahan ng mga nominado ang pangalan ng dalawang babae na bahagi ng pelikula na sina Lisa Dino, muli, para Best Actress at si Clara Ramona bilang Best Supporting Actress. Siyempre, hindi nga makapaniwala ang dalawa at akala ay ginu-goodtime lamang, pero labis ang naging katuwaan nila nang makita nila ang mga pangalan nila sa talaan ng mga opisyal na nominado sa Gawad Urian na magaganap sa buwan ng Hulyo.

Ano ba ang In Nomine Matris na ang premiere night ay suportado ng Embahada ng Espanya dito sa Pilipinas, ng Instituto Cervantes/SPCC at Trinity Hearts Media?

Ang movie na sinulat at dinirek ni Wil Fredo ay istorya ni Mara na ginagampanan ni Lisa Dino, isang dance protégé na gustong makuha ang principal role sa tour na gagawin ng isang dance company.

Sa proseso ng kanyang pagkuha ng nasabing role, isang serye ng pangyayari ang magaganap para mas makilala niya ang kanyang sarili. Kakaila-nganin niyang gumawa ng isang major decision. Pero mayroon siyang mapagbabalingang mentor (Clara Ramona) at andun din ang kanyang ina na si Ava (Tami Monsod) para siya alalayan. Dito gagawin ni Direk Wil ang fusion ng Spanish culture sa Philippine modern setting sa pamamagitan ng paghahalo ng mga sayaw na flamenco at Filipiniana dancing.

Hindi lang isang love story ang In Nomine Matris na nagtatampok sa pag-iibigan nina Mara, Enrique na ginagampan ni Al Gatmaitan at Daniel na si Biboy Ramirez naman ang gumaganap. Ang kanilang courtship ay naka-backdrop sa fusion ng kundiman at flamenco rhythm na binigyan ng makabagong areglo ni Bob Aves, isang world jazz musician.

Pang-Mother’s day presentation ang ikatlong movie ng Hubo Production.

Ang bida na si Lisa Dino sa paggawa niya ng pelikula ay napagtanto kung gaano kahalaga sa ating buhay ang ating mga ina. “Malaking implu-wensiya sila sa ating buhay at bahagi sila ng ating kinabukasan. You are each other’s strength. Nang mapanood ng mom ko ang movie, umiyak siya nang umiyak dahil sa totoong buhay ay hindi rin buo ang pamilya naming tulad ni Mara. Apektado siya sa naging komprontasyon ng gumanap na mga magulang ko sa movie,” ani Lisa.

Gumaganap ng ina ni Lisa sa movie si Tami Monsod. Isang guro si Tami na ang nanay ay ang sikat na ekonomistang si Winnie Monsod na kasama niyang nanood  ng movie.

Si Clara Ramona ang gumaganap ng role ng mentor ni Lisa. Nang makita ko siyang nagpamalas ng kanyang kaalaman sa sayaw na flamenco sa presscon ng pelikula ay talagang  mesmerized ako. Ang ganda ng galaw ng kanyang katawan na sinasabayan ng kanyang mga kamay at paa.

Isa sa gumaganap ng leading man ni Lisa sa  movie ay ang music graduate na si Al Gatmaitan. Tulad ni Lisa ay may alam din ito sa sayaw na flamenco at ipakikita nila ito sa pelikula. Si Biboy ang walang alam sa flamenco, pero hindi naman niya kailangan dahil isang negosyane ang role niya.

Naalala siya ni Lisa dahil magkasama sila dati sa GMA. Pumayat na si Biboy makatapos nilang gawin ang movie.

Mapapanood ang In Nomine Matris sa May 8-14 sa mga sinehan ng SM at Robinson’s Galleria.

Mariel waiting sa susunod na sasalihang beauty pageant

Kahit isang chef ang Bb. Pilipinas participant na si Mariel de Leon, hindi ito naging hadlang para lumahok siya sa pinaka-prestihiyosang timpalak-kagandahan. Isa itong paraan na naisip ng kanyang tiyahing si Toni Abad para mabigyan siya ng  exposure at karanasan dito sa kanyang bansa na magagamit niya in the future saan mang field siya mapunta.

Sa New Zealand nag-aral ng culinary course ang isa sa apat na supling ng mga premyadong artista na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Umuwi lang ito para sa isang bakasyon pero agad-agad ay isinali siya ng kanyang tiyahin sa Bb. Pilipinas. Hindi naman nakapagtataka kung bakit ginawa ito ng kanyang tiyahin. Bukod nga naman sa may ganda siyang taglay at may taas pang 5’9”, tapos na siya ng kanyang pag-aaral at hindi na madedehado sa question and answer portion na siyang waterloo ng maraming beauty contestants. True enough hindi naman nakakahiya ang performance ni Mariel sa segment ng but it was not yet her time. Nevertheless, masaya ang kanyang pamilya na nakaabot siya sa Top 15 considering na 50 ang contestants.

Sa ngayon, while waiting for her next beauty pageant, try muna sa showbiz si Mariel.

Marion mas may karapatan sa Aunor - Lala

Mukhang may intrigang na-unearth kay Marion Aunor sa kanyang guesting sa Kris TV. Sa letter ng kanyang ina sa kanya na binasa sa show, sinabi nito sa kanya na mas may karapatan siya sa apelyidong Aunor dahil apelyido ito ng lolo niya. Of course makakaasa na tayo ng reaction dito kundi man kay Nora Aunor ay sa mga Noranians. Wala naman sigurong masamang gustong ipakahulugan dito si Lala o Maribel Aunor na ipinagtatanggol lamang ang kanyang anak sa mga pasaring na ginagamit nito ang pangalang pinasikat ng Superstar. Eh sila nga naman ang mas may karapatan.

Kasal nina Richard at Maricar tiyak na aabangan

At least meron na namang kasalang showbiz na maaabangan ang tao. Bagaman at sinabi ng would-be groom na tahimik lamang at very private ang magiging wedding nila, hindi ito maipagwawalang bahala ng mga tagasubabybay ng showbiz dahil parehong makulay na celebrity ang dalawa, isa ay magaling na artista at isa naman ay singer.

Kay Richard Poon mismo nagmula na kung puwede bukas ay pakakasalan na niya si Maricar Reyes na nakuha ang kanyang puso sa kasimplehan nito at pati ang loob ng kanyang ama ay nakuha na rin nito, pero siyempre, si Maricar ang magtatakda ng araw kung kailan sila pakakasal. At igagalang niya ‘yun.

‘Nakakaadik nga’

Tulad ni Kris Aquino, addicted din ako sa laro sa aking ipad na  Candy Crush at katatapos ko lang ng level 35 at wala na akong mapuntahan dahil wala akong alam na friend na puwedeng magpasa sa akin ng tiket para makapagpatuloy ako. Wala naman akong igagastos na tulad ni Kris. Kaya habang naghihintay ako ng remedyo, balik ako sa Plants vs Zombies at Flow Free.

IN NOMINE MATRIS

ISANG

KANYANG

LISA

LISA DINO

MARIEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with