^

PSN Showbiz

Wansapanataym nagwagi na naman

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling tumanggap ng pagkilala ang top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Wansapanataym kamakailan matapos itong parangalan bilang Best Children’s Program sa ginanap na 21st Golden Dove Awards sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP). Ito ay isa na namang karagdagan sa mga parangal na natanggap ng Wansapanataym mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Catholic Mass Media Awards (CMMA), PMPC Star Awards for TV, at ng National Commission on Culture and Arts.

Bilang pasasalamat sa patuloy na tagumpay ng ‘story book ng batang Pinoy,’ isa na namang kuwento na may aral ang ihahatid ng programa ngayong Sabado (Mayo 4) sa espesyal na episode na Eye Naku.

Gagampanan ng Kapamilya child star na si Dexie Daulat ang karakter ni Maita, isang bata na mayroong malabong mga mata. Nang gawin ng reyna ng mga mikrobyo na tirahan ang kanyang mga mata, naging malinaw agad ang paningin ni Maita at nagkaroon ito ng kapangyarihan na makakita nang tulad ng isang microscope. Matutunan na kaya ni Maita na pahalagahan ang kanyang mga mata kapag nagkaroon na ng sakit ang kanyang mga kapatid at kaibigan dahil sa reyna ng mga mikrobyo?

Mapapanood tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng  Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN.

BEST CHILDREN

CATHOLIC MASS MEDIA AWARDS

CULTURE AND ARTS

DEXIE DAULAT

EYE NAKU

GOLDEN DOVE AWARDS

KAPAMILYA

MAITA

NATIONAL COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with