^

PSN Showbiz

Catherine Zeta-Jones bipolar, ipinasok na sa mental health facility!

Pilipino Star Ngayon

Ipinasok ang Hollywood actress na si Catherine Zeta-Jones sa isang mental health facility nitong nagdaang Lunes para ipagamot ang kanyang bipolar disorder, ayon sa  isang  ulat ng TMZ.

Sinasabi sa balita na ta­tagal nang 30 araw ang pagpapagamot ng 43 an­yos na Oscars winner ba­ga­man hindi binanggit ang pangalan ng naturang mental health facility.

“Jones’ stint in the treatment center is a pro­active measure,” sabi ng isang impormanteng ma­lapit sa aktres. Ayon nga sa isa pang impormante, isa lang itong pagmamantini.

Huling nakita ng publiko si Zeta-Jones noong Abril 22 nang dumalo siya sa 40th Anniversary Chaplin Award Gala sa Lincoln Center at mukha naman siyang malusog. Kasama niya ang asawa niyang si Michael Douglas.

Sinabi ng publicist na si Sarah Fuller sa ulat ng Associated Press kamakalawa ng gabi na pursigido si Zeta-Jones na laging magpagamot para mamantini nang mabuti ang kanyang kalusugan.

May dalawang taon na ang nakakaraan nang magpagamot sa naturang mental hospital ang aktres dahil sa kanyang sakit na tinatawag na Bipolar 2.  Isa itong sakit na kinakikitaan ng pagiging sumpungin at depression at karaniwang nilulunasan sa gamot at  psychotherapy.

Kabilang sa nilabasang pelikula ni Zeta-Jones ang Rock of Ages, Playing for Keeps, Broken City at Side Effects.

ANNIVERSARY CHAPLIN AWARD GALA

ASSOCIATED PRESS

BROKEN CITY

LINCOLN CENTER

MICHAEL DOUGLAS

ROCK OF AGES

SARAH FULLER

SIDE EFFECTS

ZETA-JONES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with