Kasaysayan ng eleksiyon babalikan
MANILA, Philippines - Mahigit isandaang taon na ang nakalilipas matapos isilang ang eleksiyon sa ating bansa.
Ang proseso ng pagpili kung sino ang iluluklok sa puwesto ay itinuturing na isang sagradong ritwal ng mga Pilipino -- sagrado dahil ang paglilingkod sa baÂyan saan mang demokratiÂkong bansa ay isang sagradong tungkulin.
Pero hanggang saan nga ba ang ating nalalaman tungkol sa makulay, maingay, magarbo at minÂsa’y marahas na kaÂsaysayan ng ating pagÂpiÂli ng kandidato?
Para sa dokumentarÂyo ng GMA News TV na pinamagatang KaÂÂsayÂsayan ng EleksiÂyon, isang mahalagang balik-tanaw ang ihahatid ngayong panahon ng eleksyon. Layunin nitong imulat ang kaisipan ng mga Pilipino, botante man o hindi, kung bakit mahalagang matutunan ang mga aral ng nakaraan.
Ang Kasaysayan ng ElekÂsyon ay pangunguÂnahan ng Peabody AÂward winning journalist na si Kara David ngaÂyong darating na May 5, Linggo, 8:45 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
- Latest