Matapos ilampaso ang mga kalaban sa survey Marian at Dingdong itataas ang kamay ni Alfred
Very positive ang aura ni Quezon City Councilor Alfred Vargas dahil bukod sa best actor at Dekada Award na ipinagkaloob sa kanya ng Entertainment Press Society, runaway top-notcher siya sa recent congressional survey na lumabas ngayong katapusan ng buwan para sa May 2013 election sa 5th District ng Quezon City.
Ayon sa survey, lamang na lamang si Alfred (51.3%) sa kanyang mga kalaban na nakakuha lamang ng 21.7%, 18.2%, at 4.8%, respectively.
Masayang-masaya si Alfred dahil isa lamang ang kahulugan nito, well-appreciated ng mga kababayan niya sa 5th District ang paglilingkod at pagtulong niya bilang konsehal ng 2nd District sa loob ng tatlong taon.
Nangako si Alfred na patuloy na gagawin ang lahat ng makakaya para hindi mawala ang pagmamahal at tiwala sa kanya ng constituents niya. Mahal na mahal niya ang Novaliches.
Nakausap ko kahapon sa telepono si Marian Rivera at nagsabi ito na tuloy ang pangangampanya niya para sa congressional bid ni Alfred sa 5th District ng Quezon City.
Tiniyak ni Marian na aakyat siya ng stage para i-endorse ang kandidatura ni Alfred. Ang sabi sa akin ni Marian, sasabay na siya sa pangangampanya ni Dingdong Dantes sa May 7.
Suportado rin ni Dingdong ang candidacy ni Alfred dahil magkaibigan sila. Matagal na nagkasama ang dalawa sa Encantadia samantalang si Alfred naman ang kapareha ni Marian noong hindi pa ito big star.
Eula sasabak na sa biggest TV break
Hindi ko na napuntahan kahapon ang grand presscon ng Cassandra: Warrior Angel ng TV5 dahil sa dami ng appointments ko.
Pero love ako ni Judy Magdame ng TV5 kaya ipinadala niya sa akin ang publicity guide ng bagong fantaserye ng Kapatid Network na magsisimula sa darating na Lunes at biggest television break ni Eula Caballero.
Si Eula ang lead star ng Cassandra: Warrior Angel. Sa title pa lang, obvious na isang warrior angel ang role ng first grand winner ng Star Factor, ang talent search program ng TV5.
Leading men ni Eula sina Albie Casiño, JC de Vera, Victor Silayan, at Daniel Matsunaga. Kasama rin sa cast ng Cassandra sina Gabby Concepcion, Eula Valdes, at William Martinez.
JC may gagawing pasabog sa June
Marami ang naintriga sa sinabi ni JC de Vera na may malaking pagbabago na mangyayari sa buhay niya sa June 2013.
Kanya-kanya ng hula ang mga intrigera at tsismosa.
A. Magpapakasal na ba raw si JC sa June dahil ito ang wedding month? B. Magiging tatay na ba siya sa June? C. Babalik si JC sa GMA 7? at D. Lilipat siya sa ABS-CBN?
Walang nakakaalam sa tumpak na kasagutan dahil tikom ang bibig ni JC. Malakas ang hula na mag-oober da bakod siya sa ibang TV network dahil tapos na ang kanyang three-year non-exclusive contract sa TV5. Lumipat ang aktor sa TV5 noong March 2010 at ngayong 2013 ang expiration ng kanyang kontrata.
Dalawang lumang drama series balak gawan ng remake ng GMA
Ang Anna Karenina at Mga Basang Sisiw ang dalawa sa lumang drama series na balak na i-revive ng GMA 7.
Ang Anna Karenina ang TV series na pinagbidahan noon nina Antoinette Taus at Sunshine Dizon. Ka-join din sa cast sina Dingdong Dantes at Polo Ravales.
Napanood ang drama series noong 1996 hanggang 2002 sa GMA 7. Anim na taon din na sinubaybayan sa telebisyon ang nasabing palabas.
Isang lumang pelikula noong 1981 ang Mga Basang Sisiw na pinagbidahan ng mga dating child star na sina Janice de Belen, Sheryl Cruz, Julie Vega, at Niño Muhlach. Hindi ako sure kung ang TV remake ng Mga Basang Sisiw ang pinaplano na gawin ng GMA 7.
Tarayan nina Susan at Amalia inaabangan
Marami ang nag-aabang sa teleserye ng ABS-CBN na pagsasamahan nina Susan Roces at Amalia Fuentes.
Buhay na buhay uli ang rivalry ng fans ng mga dating movie queen. Excited na sila na mapanood ang pagtatarayan nina Susan at Amalia sa TV. Matagal nang hindi lumalabas sa pelikula o teleserye si Amalia.
Napapanood lang siya sa TV kapag sinasagot niya ang mga isyu na kanyang kinasasangkutan.
- Latest