Heart maiinit ang sagot sa mga magulang
MANILA, Philippines - Ngayong May, mababasa ang maiinit na sagot ng controversial actress na si Heart Evangelista sa YES! Magazine sa mahabang panayam kay Jo Ann Maglipon, editor-in-chief ng mag.
Maraming sasagutin si Heart tulad ng isyu sa perang nawala mula nang makarelasyon si Sen. Chis Escudero, away ng driver sa tatay ng aktres, at ano ang nagtulak para sumabog ang damdamin ng kanyang inang si Mrs. Cecile Ongpauco.
Pag-uusapan din ang sinasabing “personality problem†ng senador kaya hindi katanggap-tanggap sa pamilya ni Heart.
“I was hysterical,†sabi ng aktres nung una niyang nalaman na ang kanyang ina at tumatayong manager ay nagpa-presscon para sa kanila ng kanyang boyfriend.
“What? Why? She’s my manager! She’s my mom! It’s a nightmare!â€
Nahihirapan tuloy sina Heart at Sen. Chiz na makipag-usap sa press dahil, ayon sa huli, kung pulitika lang ang topic ay walang problema.
“I’m a straight shooter, more often than not. But since it’s them, kailangan kong manimbang. I cannot answer directly,†sabi ng senador.
Ang “them†na tinutukoy ay ang mag-asawang Rey at Cecile Ongpauco.
Sa ngayon, ito na ang pinakamatinding inayawan na karelasyon ng bunso ng mga Ongpauco. Nangyari na rin ang parental rejection kina Ian Dy, Jericho Rosales, at Daniel Matsunaga, mga ex-boyfriend ni Heart.
Makisabay sa mainit na isyu at iba pang happenings sa bawat kopya ng YES! magazine, available sa newsstands, bookstores, at supermarkets nationwide.
Siyam na senatorial candidates, hinarap ang bayan
Hinarap ng siyam na senatorial candidates ang buong bayan noong Linggo ng gabi (Abril 28) sa pangalawa at huling Harapan 2013: The Senatorial Debate ng ABS-CBN na ginanap sa La Consolacion College sa Maynila. Nagdebate sina Samson Alcantara, Rep. Sonny Angara, Greco Belgica, Baldomero Falcone, Richard Gordon, Ricardo Penson, Grace Poe-Llamanzares, Christian Seneres, at Bro. Eddie Villanueva at ipinahayag ang kanilang opinyon sa sari-saring isyu at usaping batas. Sa paspasan rounds, inilahad ng mga kandidato ang kanilang magkakaibang saloobin sa pagtatanggal ng pork barrel, ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa, kung sino ang susuportahan nila sa pagka-pangulo sa halalan sa 2016, at kung sinong superhero ang gusto nilang tularan.
Samantala, inisa-isa naman ng moderator na si Ted Failon ang mga kandidato mula sa Team PNoy at United Nationalist Alliance na hindi sumali sa debate noong Linggo at noong nakaraang Linggo (Abril 21) na nagbigay ng iba’t ibang dahilan sa kanilang hindi pagdalo. Sila ay sina Nancy Binay, Sen. Alan Peter Cayetano, Tingting Cojuangco, Rep. Jack Enrile, Sen. Francis Escudero, JV Ejercito Estrada, Sen. Gringo Honasan, Sen. Loren Legarda, Jamby Madrigal, Sen. Antonio Trillanes IV, Cynthia Villar, at Miguel Zubiri.
‘Dapat tama’ singer makikipaghuntahan kay Igan
Isang tunay na makata - ganito inilarawan ng Master Rapper, ang yumaong Francis Magalona, si Aristotle Pollisco na mas kilala sa pangalang Gloc 9.
Ang angking galing ni Gloc 9 sa pagsulat at sa pag-rap ang ginagamit niya hindi lamang para magbigay aliw sa mga tao kundi para buksan ang isipan ng mga mamamayan sa tunay na kalagayan ng bansa.
Sa Tonight with Arnold Clavio ngayong Labor Day, muli niyang ipamamalas ang pambihirang talentong ito, hatid ang isang mensaheng akma ngayong eleksyon: Dapat Tama!
Makaka-kwentuhan din ni Igan Arnold Clavio si Denise Barbacena, dating “protégé†ni Gloc 9 at ngayo’y kasa-kasama niya sa mga gig at bagong proyekto.
Malalaman na kung saan sila kumukuha ng inspirasyon at kung ano ang kanilang mga saloobin ngayong palapit na nang palapit ang botohan.
Abangan ang masaya at makabuluhang kuwentuhan sa Tonight with Arnold Clavio sa May 1, 2013, Miyerkules, 10:30 ng gabi sa GMA News TV.
- Latest