Julia at Enrique bibida sa bagong teleserye
MANILA, Philippines - Opisyal nang inihayag ng ABS-CBN kamakailan na sina Julia Montes at Enrique Gil ang lead stars ng pinakabago at pinakaaabangang Primetime Bida teleserye ng Kapamilya Network bilang bahagi ng pagdiriwang ng 60 taon ng Philippine Television.
Mula sa matatagumpay na teleserye ni Julia na Mara Clara at Walang Hanggan, at ni Enrique na Budoy at Princess and I, muling magbabalik sa Primetime ang dalawa sa pinakasikat na KapamilÂya young stars upang pagbidahan ang panibagong obra na tiyak na magbubukas sa puso ng bawat manonood.
Sa pananabik ng buong sambayanan sa kanilang tambalan, naging usap-usapan agad sa mga social networking site tulad ng Twitter ang bagong proyekto nina Julia at Enrique kaya naman mabilis din naÂging bahagi ng nationwide trending topics ang mga hashtag tulad ng #ExcitedForJuliaMontesAndEnriqueGilTeleserye at #HappyJulQuenDay.
Abangan ang pinakabagong teleseryeng pagbibidahan nina Julia at Enrique sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Zanjoe baklang-bakla sa Bromance
Ang Skylight Films ay nakilala sa mga kakaiba at out-of-the-box na mga pelikula. Ngayong May 15, maghahatid muli sa mga manonood ang Skylight Films at Star Cinema ng isang kakaibang movie expeÂrienÂce sa Bromance: My Brother’s Romance. Ito ang una nilang sabak sa comedy genre matapos ang Corazon: Ang Unang Aswang at Amorosa, na parehong horror-suspense thrillers.
Sa ilalim ng direksiyon ng box-office comedy director na si Wenn V. DeÂraÂmas, ang Bromance: My Brother’s Romance ang una ding pagkakaÂtaon na magbibida sa isang pelikula si Zanjoe kung saan isang dual role biÂlang kambal—na ang isa dito ay bakla—ang gagampanan niya, kaya’t tuÂÂnay na kaabang-abang ang pelikulang ito!
Iikot ang Bromance: My Brother’s Romance sa kuwento ng kambal na sina Brando, isang macho na lalake, at ang baklang si Brandy. Dahil hindi matanggap ni Brando ang pagiÂging bakla ng kakambal, magdedesisyon itong mabuhay ng mag-isa at magtatayo ng talyer, pero malulubog siya sa utang. Si Brandy naman ay magiging isang successful interior designer.
Patuloy sa pagtahak ng hiwalay na landas ang magkapatid, hanggang sa hiÂlingin ng nanay nila magkasundo uli sila. Dahil dito, pupuntahan ni Brandy si Brando para makiusap sa kapatid na bumalik sa kanila. Pero bago pa magÂkasundo ang dalawa ay maaaksidente at mawawalan ng malay si Brandy.
Habang nasa coma si Brandy, malaÂlaman ni Brando na bago pala nangyari ang aksidente, may nasaÂrado si Brandy na deal sa isang kliÂyente na nagkakaÂhaÂlaga ng milyun-milyon, at hindi puweÂde na basta-bastang mawala si BranÂdy sa ekÂsena. Sa takot ni Brando na laÂlong magkaÂgulo kapag nalaman ng kliÂyente ang nangyari sa kanyang kapatid, nagdesisyon si Brando na magÂpaÂpalit muna sila ng identity ng kanyang kamÂÂbal. Kaya’t ang dating macho at maporma na si Brando ay biglang naging—si Brandy!
Malaking adjustment para kay Brando ang identity-switching, pero habang tumagal ang pagpapanggap niya, na-realize nito na hindi lang pala solusyon sa problema niya sa pera ang hatid ng kambal sa kanya: mukhang ito na din ang magiging daan para magkaayos sila ng dati niyang nililigawan na si Erika (Cristine Reyes), na matalik na kaibigan ni Brandy.
Ngayong bumaliktad na ang munÂdo, may pag-asa pa ba na maibalik sa dati ang lahat? Maayos ba ang probleÂma ng magkapatid? Mabubuking ba ang nagÂpaÂpanggap na si Brando?
Abangan ang sagot kapag dumating na sa mga sinehan ang Bromance: My Brother’s Romance sa May 15. Ang Karakaraka, ang single mula sa dance album ni Vice Ganda ang theme song ng pelikula.
- Latest