^

PSN Showbiz

Alfred nagulat sa pagiging best actor at Dekada Awardee!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Si Alfred Vargas ang isa sa na-surprise nang husto sa nakaraang 10th Golden Screen Awards, dahil bukod sa Best Actor award na natanggap niya na naka-tie si Eddie Garcia, ginawaran din siya ng Dekada Award dahil naka-dalawang award na ito sa loob ng sampung taong pamamahagi ng Golden Screen Awards.

Inalay ni Alfred ang kanyang parangal sa kanyang namayapang ama at sa kanyang Mommy na nakikipag­laban sa sakit na cancer.

Hindi rin niya nakalimutang i-share ito sa mga botante niya sa District 5 ng Quezon City.

PAK: Si Carl Guevarra pala ang sumundo kay Kris Bernal sa airport nang dumating ito galing sa isang buwang bakasyon sa Europe.

Kahit hindi naman nila deretsahang inaming sila na, obvious namang meron talagang namamagitang espesyal na relasyon dahil sa open naman si Carl sa panunuyo niya kay Kris.

Madalas nga raw na ina- I love you ni Carl si Kris, pero hindi pa raw ito sinasagot ng huli.

Pero nagpapasalamat si Kris sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Carl. “Nagpapasalamat ako sa lahat ng patience niya. Saka alam kong super busy siya, pero andiyan pa rin siya sa akin at hindi nagsasawa,” napapa­ngiting pahayag ni Kris.

BOOM: Pagkatapos magpaalam ng H.O.T. TV nung nakaraang Linggo, itutuloy na ni Regine Velasquez ang isang buwang bakasyon na hinihingi niya para sa pagpapagamot ng kanyang lalamunan na epekto rin ng matindi niyang acid reflux.

“I just really need to rest, while I’m in going through a process na pagpapagamot, dahil hindi naman talaga siya kadalian, bago lumala pa,” pahayag nito.

Dagdag pa niyang sabi; “Inalalayan ko rin naman ‘yung throat ko, kaya hindi pa talaga ako puwedeng kumanta ng excessively para gumana naman ‘yung therapy na kailangang gawin.”

vuukle comment

BEST ACTOR

DAGDAG

DEKADA AWARD

EDDIE GARCIA

GOLDEN SCREEN AWARDS

KRIS BERNAL

QUEZON CITY

REGINE VELASQUEZ

SI ALFRED VARGAS

SI CARL GUEVARRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with