^

PSN Showbiz

Tanya Montenegro binabatikos sa pagtatanggol kay Grechen, pero ayaw humarap sa TV camera; Media gamit na gamit ng Barretto family

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN : Binabatikos si Tanya Montenegro dahil sa pagtatanggol niya kay Gretchen Barretto at sa pakikisawsaw sa away ng pamilya Barretto. Nanahimik noon si Tanya nang mag-away si Gretchen at ang kanyang kapatid na si Nadia.

SCENE: Gamit na gamit ng Barretto Family ang media. Panay ang pag­lalabas nila ng mga official statement tungkol sa kanilang bangayan ngunit tumatanggi sila na magsalita sa harap ng kamera. Hindi dapat tularan ang Barretto family.

SEEN: Wala sa tono ang live na pagkanta ni Lauren Young sa Party Pilipinas noong Linggo. Nakakaapekto sa rating ng Party Pilipinas ang patuloy na pagpapakanta nila sa mga artista na walang karapatan na kumanta.  

SCENE: Tatalakayin sa meeting ng PAMI ang pagtiwalag ni Marian Rivera kay Popoy Caritativo. Member ng samahan ng mga talent manager si Popoy.

SEEN: Pang-SPG classification ang telecast ng  FAMAS Awards noong Linggo dahil sa nakabuyangyang  na cleavage ni Pops Fernandez at ng ibang aktres.

SCENE: Mga  pelikula ang pansamantalang mapapanood sa timeslot na nabakante ng H.O.T. TV, ang Sunday afternoon talk show ng GMA 7 na nagpaalam sa ere noong Linggo.

SEEN: Sina Gabby Concepcion at Pops Fernandez sa second big rally ni Annabelle Rama noong Linggo sa Plaza Independencia , Cebu City. Ipinangampanya nina Gabby at Pops ang congressional bid ni Annabelle sa North Cebu District. 

SCENE: Ngayong gabi ang 1st major concert ni Daniel Padilla sa Smart Araneta Coliseum. Live na mapapanood ang concert ni Daniel sa pay-per-view Channel 135 ng Skycable.

ANNABELLE RAMA

BARRETTO

BARRETTO FAMILY

CEBU CITY

DANIEL PADILLA

GRETCHEN BARRETTO

LINGGO

PARTY PILIPINAS

POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with