Luis komportable sa pagho-host, bentahe ang pagiging makulit
Ipinagmamalaki ni Luis Manzano na idolo niya ang amang si Edu Manzano. Kalahati lamang ng na-achieve ng kanyang ama ang maabot niya ay magiÂging maligaya na siya.
“Masaya ako sa kanya dahil hinahayaan niya ako. Malaki ang tiwala niya sa kakayahan ko. Wala siyang payo na ibinibigay sa akin. Kahit magkamali ako ay wala akong maririnig na hindi maganda mula sa kanya,†sabi ng magaling na host.
Tatlu-tatlo na malalaking programa sa ABS-CBN ang kanyang hinahawakan, ang Pilipinas Got Talent, Deal or No Deal, at Minute to Win It na mas magiging challenging pa sa kanya dahil ilang linggo ring magtatampok ng mga batang contestant.
Madaling kontrolin ang mga adult at calm lang sila ‘di kaparis ng mga bata na magugulo at very sure of themselves. May dalawang male kids na tiwalang tiwala sa sarili nila at malakas ang dating but were devastated nang talunin sila ng isang pares din ng kabataang babae,†kuwento niya.
Dalawampung taon nang artista si Luis pero mas komportable siyang host kaysa artista. Hindi siya leading man material pero nanalo agad ng best supporting actor sa kanyang role sa In My Life at ang This Guy’s in Love with You Pare naman ay kumita ng malaki.
“Bigyan mo na ako ng game show at talent show pero sasabihin kong maÂgaling akong host kaysa aktor. Bentahe ko na makulit ako na bagay sa isang host. Apat sa sampung hirit ko ay nakakatawa,†banat pa ni Luis.
John Lloyd at Sarah mahihirapang habulin ang naabot ng It Takes…
Matapos kumita ng P345M sa takilya sa kulang-kulang sa tatlong linggong pagpapalabas nito sa sinehan, maituturing ng pangalawa sa highest grossing Filipino film of all time ang It Takes a man and a Woman na nagtatampok kina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.
Pumangalawa ang pelikula na ikatlong installment na istorya nina Miggy Montenegro at Laida Magtalas sa nangungunang SisÂterakas nina Vice Ganda, Ai-Ai delas Alas, at Kris Aquino. Kumita ang Sisterakas ng P391M at P331 naman ang Praybeyt Benjamin. Ngayong marami na ang napakilig ng movie lalo na ’yung naÂpaÂkagandang wedding scene nina JLC at Sarah, maaari nang sabihin na mismong sina John Lloyd at Sarah ang sumulat ng script ng wedding vows nila.
At hindi akalain ng screenwriter at direktor ng peÂlikula na makakagawa ng ganun kagandang linya ang magkapareha. Napaka-sincere at galing sa puso. Hindi na kinailangang i-edit. ’Yun na mismo ang ginamit. O ’di ba gandang-ganda tayong lahat? Parang naisabuhay na ng dalawa ang kaÂrakter na ginampanan nila sa pelikula. MahihiÂrapan na ang writer ng It Takes a Man and a WoÂman na makagawa pa ng isa pang mas maÂgandang kasunod.
Daniel, good karma sa kabaitan
Nakapagtataka bang maging maÂganÂda ang takbo ng career ni Daniel MaÂtsunaga rito sa bansa? At sa kabila ng hiwalayan nila ni Heart Evangelista ay nananatili siyang mahal ng publiko?
Ang pahayag niyang kung makakaboto siya ay hindi siya magdadalawang isip na iboto ang itinuturing na marami na karibal niya sa pag-ibig na si Sen. Chiz Escudero ay isang plus factor sa kanya. Isa pang ugali na mamahalin ng kanyang mga tagahanga na nagpapamalas ng kanyang pagka-maginoo. Habang marami ang hindi magtataka kung magalit siya kay Heart sa ginawa nitong pagdurog sa kanyang puso, ang magaang na pagtanggap sa kanyang kabiguan sa pag-ibig ang isa pang ikinapupuri nila sa kanya.
“I can not be angry at them, what is past is past. Matagal na ’yun I have moved on. If they’re happy I’m happy for them. I felt sad when I heard what’s happening with their life. I hope that they can fix things up with Heart’s family,†sabi niya.
- Latest