^

PSN Showbiz

Dingdong pinipigilan ang GF, Marian isusunod na ang paglayas ng GMA 7?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mamayang hapon sa H.O.T TV ay malalaman kung totoong huling Linggo na nga ang naturang show.

Isasabay na rin siguro ang pagpa­paalam pansamantala ni Regine Ve­lasquez dahil pinagpapahinga ito sandali ng kanyang doktor.

Kung huling episode na nga ito ng H.O.T TV, mga hindi ordinaryong kuwento ang ilalahad nito gaya nang nakunan nilang isang mahiwagang isdang naninirahan sa isang lawa at meron pang isang nila­lang sa isang bayan sa Rizal na bumabagabag sa mga taong nakatira roon.

Pero may hindi ordinaryong pagpapayat din ang ipapakita ni Sexbomb Rochelle Pangilinan na idinadaan sa paglalambitin sa ere. Ang tinatawag nilang aerial silk dance.

PAK: Nung kamakalawa ng hapon lang pala bininyagan ang anak ng sexy comedienne na si Janna Dominguez kay Mickey Ablan.

Ginanap ang binyag sa Christ the King Parish Church sa Greenmeadows na kung saan isinabay na nila sa first birthday ng baby girl nila na pinangalanan nilang si Cael.

Ang wish lang nina Mickey at Janna, sana raw pagkatapos ng binyag ay kasal na ang susunod nilang aayusin. Pero hinihintay lang nilang maayos ang annulment ni Mickey kay Iwa Moto na buntis naman kay Pampi Lacson.

BOOM: Kasabay nang pag-alis ni Marian Rivera sa kuwadra ni Popoy Caritativo, lumutang na rin ang posibilidad na pag-alis ng primetime queen sa GMA 7.

Makahulugan ang sagot nito nang tinanong sa presscon ng APT Productions kung totoo bang hindi na niya iri-renew ang kontrata niya sa Kapuso Network.

Sabi ni Marian: “Actually, may kontrata pa ako sa GMA, by August ‘yan. Pero hindi ko sinasarado ang pintuan ko sa ibang network.

“Dahil nga sa sinasabi kong freedom eh gusto kong mag-try ng iba’t ibang klase ng hindi ko pa nagagawa.

“Pero ngayong may kontrata pa ako sa GMA eh ayoko naman pong magsalita. Sa August po magkita-kita tayo kung saan ako pupunta.”

Ang latest na narinig namin, nag-usap na raw sila ni Ma’am Wilma Galvante na isa sa mga top executives ng TV5 pero itinatanggi ito ni Marian.

Ang isa pang narinig din namin, pinipigilan daw ni Dingdong Dantes si Marian na umalis ng GMA 7.

Pero sinasabi naman ng aktres, pagdating sa kanilang career ay hindi sila nagpapakialaman. Nirerespeto nilang magkasintahan kung ano ang desisyon sa kani-kanilang career.

vuukle comment

CHRIST THE KING PARISH CHURCH

DINGDONG DANTES

IWA MOTO

JANNA DOMINGUEZ

KAPUSO NETWORK

MARIAN RIVERA

MICKEY ABLAN

PAMPI LACSON

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with