Marian parang nagpasabog ng bomba sa paglipat bigla ng ibang manager!
Pabalik ako sa Maynila mula sa Legazpi, Albay noong Biyernes nang makatanggap ako ng phone call mula kay Marian Rivera.
Ang sabi sa akin ni Marian, love niya ako at isa sa kanyang mga pinagkakatiwalaan sa showbiz.
PaÂpunta siya sa presscon pero mag-uusap daw kami ng one on one. Wala akong kaalam-alam na umalis na pala siya sa kuwadra ni Popoy Caritativo habang magkausap kami dahil walang nabanggit si Marian. Basta ang sabi niya, one of these days, magkikita at mag-uusap kami.
Kinabahan pa nga ako nang tumawag siya sa akin. Inisip ko na baka sasabihin ni Marian na hindi na makakapagkampanya para kay Alfred Vargas kahit nag-confirm siya sa akin.
Pasakay na ako sa eroplano, pabalik sa Maynila, nang malaman ko na tungkol sa paghihiwalay nila ni Popoy ang pasabog ni Marian sa presscon na ipinatawag ng APT Entertainment. ‘Yun pala ang important announcement na imbitasyon sa entertainment press na tanungan nang tanungan dahil clueless sila sa mga mangyayari sa presscon na pinuntahan nila.
May katuwiran na ma-shock ang mga reporter sa important announcement ni Marian at ng APT Entertainment dahil wala tayong nabalitaan na nagkaroon ng misunderstanding sina Popoy at Marian. Para sa mga malalapit na kaibigan ng dalawa, parang Boston Marathon bombing ang epekto sa kanila ng paghihiwalay ni Marian at ng kanyang Momsy Popoy.
Discoverer ni Marian binalikan lang
Hindi nakita o nakausap ng mga reporter si Mr. Tony Tuviera. Tapos na ang presscon nang dumating si Papa Tony, ang bagong manager ni Marian.
Nakalagay sa Instagram account ni Marian ang picture nila ni Papa Tony na may caption na HOME.
Si Papa Tony ang discoverer ni Marian. Siya ang nagpahanap kay Popoy kay Marian na napanood niya sa isang TV commercial.
Si Papa Tony ang unang tinawagan at kinausap ni Marian nang mag-decide ito na iwanan si Popoy. Therefore, alam ni Papa Tony ang tunay na reason ng pag-alis ni Marian kay Popoy.
Popoy hindi pa handang magpaliwanag
Hindi pa rin kami nagkakausap ni Popoy. Hindi ko pa siya tinatawagan dahil alam ko na masakit din sa kanya ang nangyari. Talent manager din ako kaya alam na alam ko ang pakiramdam kapag naÂwawalan ng alaga. Madaling sabihin na okay lang pero ang totoo hindi okay. May lungkot at kuÂrot sa puso, lalo na kung malalim ang inyong pinagÂsamahan.
Saka baka hindi pa handa si Popoy na magsalita. Hayaan muna natin siya na mag-isa, makapag-isip, at maka-move on.
Gov. Joey nagamit ang katalinuhan sa Albay
Gabi na nang makarating ako sa bahay noong Biyernes dahil as usual trapik mula sa NAIA Terminal 3 hanggang sa Quezon City.
Parang nasulit ng trapik sa EDSA ang tatlong araw na bakasyon ko sa Legazpi, Albay. Nag-promise ako kay Governor Joey Salceda na babalik ako sa Albay dahil talagang nag-enjoy ako. Nakabibilib ang sobrang katalinuhan ni Papa Joey na matagal pala na nanirahan at nagtrabaho sa Europe. Ang sarap-sarap niya na kausap. Ang dami-dami kong natutunan sa kanya. Miss ko na nga siya eh!
- Latest